“aybin, uulan! uulan!”
“ha?”
Nasa harap ako ng computer, isang umaga, at bigla na lang pumasok sa aming bahay ang anak ng pinsan ko na siguro ay wala pang limang taong gulang. Medyo hindi ko pa nga maintindihan ang sinasabi niya.
“uuyan, uulan!”
Iniisip ko ay kauulan lang kaya hindi ko alam kung bakit niya sinasabi sa aking uulan raw. At bigla na lang akong tinamaan ng ideyang kaya pala niya ko sinasabihan na uulan ay dahil kanina pa ako kumakanta.
naasar ako kagad, hehe.
pinapalabas ko siya ng bahay kasi nga asar ako pero pumasok pa rin siya hanggang sa tabi ko at kung anu-ano na ang sinasabi. Nagtanong tungkol sa litrato ng kasal ng nanay at tatay ko na nakasabit sa may dingding, hindi daw kamukha ng nanay ko. Syempre dahil matagal na yung litrato.
“uwi ka na”
At buti naman at lumabas na rin siya ng bahay namin pero bago pa man siya mawala sa aking paningin ay inulit na naman niya ang paalala niya sa akin kanina.
“uulan!”
walang hiyang bata, naisip ko.









Leave a Reply