iyong ilapat ang panulat sa papel
at simulang ibahid ang kanyang tinta
bigyan mo ito ng sariling isip,
pagalawin sa agos ng mga ideya.
simulan mo nang iguhit
ang dibuho ng iyong puso
patibukin ang bawat salitang nabubuo
ibahid sa bawat talata ang sariling dugo
bigyan mo ng buhay ang bawat letra
ng damdamin, anyo, at alaala.
at hayaan mo kaming mga mambabasa
na madama ang kanilang lungkot, galit, poot at saya.
humabi ka ng mundong hindi pa nakikita
ng isang lipunang ?di pa natatamasa
sumalat ka, at muling sumulat pa
isulat mo ngayon ang isang obra
ibalik mo ang nakaraang lumipas
nang muli pang ito?y mabaon sa limot
papatakin ang luhang dati nang napawi
sa mga matang nangingilid sa lungkot
imulat mo kami sa isang bagong araw
na puno nag-uumapaw na damdamin
isulat mo ang pinapangarap na bukas
at ang kawalang batid na hinaharap.
patakbuhin ang oras ayon sa ?yong nasa
pabalikin mo ito, di kaya?y pabilisin pa
o baka nais mong ito?y patigilin pala
pati pag-ikot ng mundo?y gawin mong iba.
kapag ngayo’y sumulat ka
walang hangganan ang iyong malilikha









Leave a Reply