kundiman

Aking tala.
Medyo hindi pa namin sigurado kung paano gagawin ‘to pero pareho kaming sasali sa linggung ito ng ka-LP-han. Subukan muna naming pag-isahin ang entries namin sa isang post, hehehe. Mauuna ako, si komski:)

2003. Alas onse ng gabi. Lumabas kami ng bahay ng aming kaklase para bumili ng pagkain sa tindahan.  Kanina pa kasi namin binubuno itong project sa social studies, isang miniature model ng kung anung hindi ko na matandaan. Madilim at maaliwalas ang kalangitan at walang anu-ano’y sabay pa kami napatingala ng kasama ko,

Uy, falling star!

Yun na ang una’t huling beses na nakakita ako ng falling star. Wish? Paano ako makakapagwish e napatitig na lang ako sa sasandaling gumuhit ang manipis na puting ilaw na iyon sa langit. Astig.

Falling stars, pagblow ng candle sa cake, isang libong paper cranes, paghulog ng coin sa wishing well, pagkatok sa pinto ng simbahan na unang beses puntahan, wishbones o kahit yung pagwiwish kapag sinunod mo ng pinapagawa ng isang chain email. Ang daming pagkakataon na pwede kang mag wish. Pero sana lang e magkatotoo di ba?

Magwish ka..

Sinabi niya matapos hawakan ang aking pisngi at pilit may kinuha na kung ano malapit sa aking mata, isang nahulog na pilik-mata. Tapos ay pinapili niya ako kung saan didikit ang pilik-mata, taas o baba, kung sa kanyang hintuturo o sa hinlalaki?

Anung winish mo?

Alam mo naman kung anung wish ko e.

wish, nang malaman ko na un ang LP category ngayong linggo, ito kaagad ang naisip ko.

– karmi

simula pa nung HS ay naiingit na ako sa mga kaklase kong nakakatanggap ng bulaklak. lagi kong iniisip, kelan kaya may magbibigay ng bulaklak sa akin. kung tutuusin, napakababaw ng aking minimithi, bulaklak lang un, ano ba! ano bang meron dun diba? eh natutuyo rin naman ito ay di pagtagal ay itatapon din. para sa akin, its the thought that counts. oo nga’t natutuyo’t itatapon din pero ung effort na pumunta sya sa isang flower shop para bumili nito para sa akin ay sapat nang tumagal sa aking ala-ala.

syempre, di lang naman ako tatanggap ng bulaklak kahit na kanino na lang. gusto ko eh galing sa mahal ko.  gusto kong kiligin at matuwa. hay, napakahopeless romantic ko talaga.

oo, nagkatotoo ang aking hiling. may nagbigay sa akin ng bulaklak, at di ko ito inaasahan. andun sya sa tagpuan namin, nakaupo, ilang minuto na rin nya akong iniintay dahil di ko inaasahang male-late ako. puno nang kaba akong lumapit sa kanya nang makita ko ang isang dosenang pulang rosas. umupo ako sa tabi nya’t iniabot nya ang bulaklak.

ano ito?

para sayo.

di ko alam ang aking sasabihin. natigilan ako’t tinitigan na lamang ang bulaklak. ni hindi ko nga maalala kung nakapagpasalamat nga ako eh. magkahalong tuwa at pagkagulat, yan ang aking naramdaman ng mga sandaling iyon. di mo naman kelangang gawin, pero salamat. sobrang natuwa ako.

salamat sayo, natupad ang wish ko.

Ito ay ang aming lahok para sa ika-21 na linggo ng Litratong Pinoy na may kategoryang Mithi (wish). Ang litrato ni komski ay kinuhanan niya kanina sa harap ng pc niya. Kanina lang din niya ginawa yang mga stars na yan dahil wala namang pasok dahil sa bagyo. Ang litrato ni karmi ay kinuhanan noon June 14 sa harap ng KFC sa Trinoma habang hinihintay si Arvin. Tuyot na ang bulaklak, pero nadala ko pa rin dito sa America. Tignan mo rin ang mga lahok ng iba pang mga miyembro dito.

sorry.
wag mo nang basahin ung mga entry tungkol sa kanya. baka tuluyan ka lang magalit.

nakaraan na un.

wala na.

alam mo naman ung naging kwento namin diba?

ikaw nga ang sinasabihan ko lagi eh.

aminado ako na mas nakakapagsulat ako tungkol sa kanya noon.

napa-backread nga rin ako eh.

alam mo naman na mahal ko sya.

mahal na mahal.

pero ikaw na ang ngayon ko.

ikaw ang mahal ko ngayon.

kaya sana wag mo nang pansinin ung noon.

qwerty
hindi ka talaga makakagawa ng blog entry kung tititigan mo lang ang keyboard.

alas-kwatro na ng madaling araw, andito pa ako sa trabaho. madalas, ganitong oras ako nakakagawa ng mga blog entry. madalas, ganitong oras ako dinadatnan ng ideya. kapag petiks mode na, bubuksan ko na ang notepad at hahayaan kong tumipa ang aking mga daliri sa keyboard. hahayaan kong dumaloy ang mga salita, at di ko mamamalayan, may isa na naman akong entry. pero, napansin ko nitong mga nakaraang linggo, tuwing pumapatak ang alas kwatro ng madaling araw, hindi na ako tinatawag ng kagustuhan kong magsulat. wala nang ideya’t mga salita, wala nang mga kwento. kung bakit ganito ay di ko alam. di ko alam kung anong nangyari.

di na ako makapagsulat. sa tuwing tatangkain kong gumawa ng blog entry, mas madaming beses ko pa atang nagagamit ang ‘backspace’ kesa sa ‘period’. wala, sabaw na ang utak ko. marami akong gustong sabihin, maraming gustong ikwento. pero hindi ko talaga malaman kung bakit parang hirap na hirap akong isulat ito. dati-rati naman, kahit na tungkol saan ay nakakapagsulat ako kaagad, naikukwento ko kaagad. wala pang isang oras ay may blog entry na naman ako. araw-araw akong nakakapagupdate. pero  ngayon, dumadaan ang isang araw, minsan pa nga’y dalawa, na di ko man lang maisip magsulat. sobrang writer’s block ba ito, hindi ko alam. unang-una, nagfe-feeling writer lang naman kasi ako. ang alam ko lang, namimiss ko na ung dati.

marami akong pwedeng idahilan — busy sa trabaho, walang oras, laging tulog, tinatamad. pwede ko ring sabihin na dahil ito sa ibang tao na nakasamaan ko ng loob kaya di ako makapagsulat. nakakawalang gana, nakakasawa, nakakapagod. sabi nga ni arvin, magretire na daw ako sa blogging dahil 10 years na daw akong blogger. hindi totoong 10 years na akong nagbo-blog, 8 lang naman, pero ilang beses ko na ring naisipang iwan ang blogosphere. ilang beses binalak gumawa ng goodbye for good na post, pero di ko ito natatapos. dahil na rin siguro, alam ko sa sarili kong hahanap-hanapin ko ang pagsusulat, hahanap-hanapin ko ang pagbo-blog.

kelan mo sisimulang pahalagahan ang isang bagay na gusto mo? kung kelan wala na ito?

halos alas-singko na, hindi ko alam kung may sense ba itong pinaglalagay ko dito. sana, sana di na ako tamarin ulit. lagi kong sinasabi na kung gusto, laging may oras at maraming paraan….

gusto kong ibalik ung dati. at sana ito na ang maging simula.

Ayoko na magblog.
Hinde, hindi ako titigil sa pagbablog, sa katunayan ay naisip ko kanina lang na teka… ba’t parang ni minsan ata e ‘di ko naisip na iwanan nang tuluyan ang mundo ng blogging?

Pinakamalapit na siguro ay nuong nagdeklara ako ng hiatus sa tim.idlip.net, isang linggo bago ang araw ng mga puso nitong nakaraang Pebrero. Hindi para maghanda para sa isang magarbong valentines date gaya ng iniisip ng iba sa mga nagcomment, kundi dahil sa pagiging busy sa mga gawaing pang-akademya. Wish ko lang na may date at perang pang-date ako ‘no, hehehe.

Isang buwan akong hindi nagpost ng entry, kahit na aktibo pa rin ako sa pagko-comment sa ibang blogs. Online pa rin pero iba rin kasi ang oras na ginugugol kapag lagi kang nag-iisip ng pwedeng iblog, isusulat ang naisip, sasabihin sa ibang bloggers na may bago kang post na dadaanin sa pangangamusta kuno sa kani-kanilang tagboards, bloghop, comments moderation at reply sa comments. Daming gagawin di ba?

Isang beses lang ako naghiatus, uhm, formally. Dahil nuong wala pang internet sa bahay at bakasyon ay wala akong ibang paraan para makagamit ng computer na konektado sa world wide web kundi ang dumayo pa ako sa kabayanan, sa kabilang ibayo, sa kasunod na dalawang baranggay. Dalawang beses kada taon ako inactive nun, tuwing summer at christmas vacation.

Bakit nga ba may blog leave?

Tumigil ako sandali sa pagbablog dahil busy sa ibang mga gawain. Yun na siguro ang isa sa pinakamadalas na dahilan. Trabaho, projects, exams, o out-of-town vacation. Walang internet, sira ang pc, nanakaw ang laptop, naputulan ng kuryente, nasunog ang bahay, pinasara ni Edu ang pinupuntahang net shop o naputol ang underwater intercontinental optic cable sa pagitan ng Taiwan at Pilipinas. Namundok at nagtago sa mga awtoridad, nakulong o na-mental, o di kaya’y sumakabilang buhay.

May nakaaway online, nahuli ka ng gf mo, may nagpakalat ng litrato mong mahalay, may nagbunyag ng secret crush mo online, o may gusto kang layuan na blogger dahil ayaw mong lumalim ang nararamdaman mo sa kaniya.

Madrama, o sobrang madrama, seryoso, pabiro, kontrobersyal, nakakatawa, nakakaawa at kalimitan nakakapanghinayang. Ang daming dahilan para tumigil, umalis, mawala. Pero ang isa sa mga ‘di ko malilimutang dahilan ng pag-alis sa pagbablog ay

Ayoko na magblog.

Tapos.