kundiman

karmi. komski. parehong 20-something. frustrated writer. rockstar wannabe. madrama. naruto fanatic. mahilig kumanta. cam-whore. charmed addict. loves twitter. writer kuno. isip-bata. idol si BO. mastermind ng komski quotebox. makulit. computer geeks. pero mas geek pa din si komski. mababaw ang kaligayahan. 14.

  • anneV: cute naman ng entry na ito. however, we don’t have that brand of candy here in sweden eh. cute blog...
  • ann: Love site pala ito..hehehe. dito ka na ba?
  • F: wagas na pagibig . teka pahingi ako ng kendi =)
  • ettey: syet!tumayo atang lahat ng buhok ko sa katawan ng mabasa ko tng post mo bigla akong kinilabutan at di naiwasan...
  • komski: Naku, masama pinaglalaruan ang pagkain, hehehe. Pero kung maaalala mo naman ako in the process, ok na rin:D...
  • MommyBa: ay ang sweet!!! Pramis talaga corny entry na lang gagawin ko, hehehe.
Subscribe to my feed




Halos isang buwan ko ring hindi nagamit ang direct messaging ng twitter. Actually, halos isang buwan ata akong hindi naging full-time online, hehehe. At ewan ko na lang sa mga mabgbabasa nito kung hindi pa niya alam kung bakit, e kitang isang bagay lang ata ang binlog ko sa sa buwang ito.

Hinahanap yung LP mo ah.
Hiniwalay ko e, para naman makonsensya akong magpost ng iba.
E puro naman tungkol sa akin ngayon.
Hehe, nahalata mo rin?

Pramis, next time iba naman ang ibablog ko:D E kasi naman, ang tagal din nating hinintay na magkasama tayo. Kahit maiksi, sobrang mahalaga naman, at kitang minsan lang ako magblog e, kapag gusto ko talaga. At gusto ko talaga, hehehe. Masaya kasi at tsaka para naman kiligin yung mga nagbabasa tulad ni yods, hehehe.

At ngayong nasa amerika ka na, hmmm, hindi ka pa rin naman masyadong nalalayo. Andito ka naman sa puso ko e:D hehe, joke. Tignan mo kaya yung lugar kung nasan ako halos oras-oras?

Atin

Ewan ko na lang talaga kung makalimutan pa kita. E pagkauwi ko’y ngiti mo ang una kong makikita:) Saya. I miss you, sobra, pero hindi ako nalulungkot. Nasasapawan lang ang lungkot ng sayang dinulot mo sa akin, whoa, tagalog na tagalog, hehehe. Inaantay ko pa rin yung post mo ah:D Pag yan maigsi, bahala ka, hehehe.

Hindi na ako magugulat kung paminsan-minsa’y titigil na lang ako’t mapapatitig sa ating litrato’t mapapangiti ng sobra. Mukhang tange? E ano naman di ba? Hehe.

Tama, sa lagay na yun ay masaya pa ako nung isinulat ko yung huli kong post, pero kanina habang hinihintay kong kumulo ang tubig kong ipangtitimpla ng kape ay medyo napalalim ang aking iniisip. Kaya ko ba talaga ito?

Matagal ko nang sinasabi kay Carme, sa aking mga comments sa kanyang blog tuwing magpopost siya tungkol sa kanyang relasyon dati, na “ayoko talaga ng isang long-distance relationship”. Paulit-ulit, tuwing magkukwento siya, na ayoko dahil natatakot akong baka hindi ko makaya. Dahil.. dahil.. dahil alam kong nahuhulog na ang loob ko sa kaniya. Mabuti na nga lang at isang baso lang ang aking pinakukulo, kundi ay baka nasiraan na siguro ako ng bait kakaisip. Ang hirap. Iniisip ko pa lang nahihirapan na ako.

Oo nga, may internet naman, may chat, webcam, twitter. Pero iba pa rin yung katabi niya ako sa tuwing kailangan niya ako, o kailangan ko siya. Hindi sa lahat ng oras ay naroroon ako para sa kanya. Ano, kapag kailangan niya ko e hahanap muna siya ng computer para makausap ako? Kaya ba ng 140 characters per text para maramdaman niyang kasama niya ako kahit hinde? Paano kung umiiyak siya, titignan ko na lang siya sa monitor habang lumuluha dahil sa wala naman akong magawa at paulit-ulit na sasabihin na sana katabi niya ako para mayakap ko siya?

Sobrang hirap nun.

Alam kong ang buhay namin ay mas madalas nasa harap ng pc, araw-gabi nagsusurf, nagtatype. Pero hindi naman sa ganung lugar nangyayari ang mga mas mahahalagang parte ng buhay. Hindi talaga e. Higit na mas malawak ang mundong pangyayarihan ng mga mas malalalim na karanasan. Sa ganung mga pagkakataon, gusto ko kasama niya ako, katabi at kahawak ng kamay. At hindi ko iyon magagawa sa sitwasyon kung saan hindi ko siya agad-agad na mapupuntahan, o sadyang hindi talaga mapupuntahan kahit na gaano ko pa man gustuhing gawin iyon.

Hinihiling ko na lang na sana, sana’y walang mangyari sa mga bagay na ikinakatakot ko, hindi ngayon hanggang sa panahong makakasama ko siyang muli. Dahil sa oras na makasama ko na siya’y mas mapapanatag na ang aking loob. At kung hindi man palarin ay sinasabi ko sa iyo Carme, na hindi kita iiwanan, hindi kita bibitawan, dahil ikaw na rin ang dahilan kung bakit kahit alam kong mahihirapan tayo’y susuong pa rin ako..

Dahil higit naman na mas marami akong maibibigay na dahilan kung bakit ko gugustuhing mahalin ka, yun nga lang, hindi talaga maiaalis na minsan ay magdrama dahil kilala mo naman ako na isang emotero ring katulad mo. Mahirap, pero kakayanin natin ‘to.

Ang nakapanghihinayang lang sa lahat, nasasayangan talaga ako sa panahong hindi kita makakasama.

Remember

Ilang araw na lang at lilisan ka na, pero parang hindi ko man lang nararamdaman. Ngayong araw nga ang huling beses na makikita kita, mahahawakan, mayayakap, at sa susunod na masisilayan ko ang iyong ngiti’y nasa kabila ka na nitong babasaging monitor. Boses mo’y muling manggagaling sa sira-sira kong headset at hindi na mula sa mga labi mong kaunti na lang ay nakalapat na sa aking tainga. Sobrang mamimiss kita.

di ko pa rin maramdaman na aalis na nga ako.. di ko pa naiisip na hindi na kita makikita pagtapos ng martes.. parang andyan ka lang, parang di talaga ako lalayo sayo… ang drama, grabe… haay…

- Carme

Sa sasandaling panahong nakasama kita’y napaligaya mo ako ng sobra. Sa mga biro’t tawa, sa haplos at suntok, pingot at yakap mo’y aking nadama, alam kong sa piling mo’y ako’y magiging tunay na masaya. Teka, aalis ka nga ba talaga?

Wala naman talaga tayong magagawa, lalayo ka, maiiwan ako. Pero anu bang magbabago? Babalik lamang tayo sa kung saan tayo nagsimula, ang ikaw at ako, dito sa kwadradong mundo. Pero yun nga lang, nasagot na natin ang matagal nang mga tanong, na paano kaya kung nagkita na tayo? Anung pakiramdam na makasama mo ako, at ko ikaw? At pareho naman nating nagustuhan ang mga naging sagot sa mga katanungan.

Sa iyong paglisan, iiwanan  mo ang mga masasayang alaala. Kulitang hindi ko malilimutan, at mga karanasang hinding-hindi ko maipagpapalit para sa kung anu pa man. Maraming salamat rin at nakilala kita.

Hihintayin ko ang panahong makasama kang muli, at makasama ka sa wakas.