kundiman

 

May 2008
S M T W T F S
« Apr   Jun »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Archives

Subscribe to my feed

beach

Arviiiin, may nakita akong hermit crab kanina, kaya lang nakawala e. Nabitawan ko kasi nung lumabas siya sa shell.

Naka-pout ang kanyang mga labi at nangingislap ang mga matang animo’y malapit ng maluha. Para lang isang anime character at oo, ang cute niya. Malayo pa lang ay nakita ko na siyang inaantay akong makalapit sa kanya, pero siyempre kunwari’y hindi ko inaasahan na may sasabihin siya.

Sayang kasi ngayon lang ako nakakita talaga nun…

Eto na, tumigil na siya sa kanyang pagkukwento at hinihintay na niya ang aking sasabihin. Tumingin ako sa may beach at nakita ko ang init na sumisingaw mula sa nakakasilaw na buhangin. Hapon pa naman at kakakakain lang namin ng tanghalian, huling stop bago tumuloy pauwi mula sa educational trip na ito ng aming eskwelahan.

Tumingin ulit ako sa kanya.

Tara, sa’n ba nawala?

Ang lungkot sa kanyang mukha’y biglang napalitan ng saya. Ngiti niya’y naging mas matingkad pa sa araw. Haay, paano ko naman matitiis ang isang katulad niya? E kitang tatlong taon na akong may gusto sa kanya. Kaya kahit pa mababawasan ng ilang units ang hex values ng kulay ng aking balat. Ay niligid namin ang kahabaan ng dalampasigan.

Sa aming paghahanap at napangalanan na namin ang maliit na crustacean na iyon, Fermit the Crab, na ewan ko kung halatang hango sa Kermit the Frog. Siya ata ang nakaisip nun. Malungkot nga lang dahil hindi na namin ito nakita pang muli, o kahit man lang isa sa mga kamag-anak niya, sayang.

Pero masaya pa rin, dahil nakasama ko naman siya sa pamamasyal, sa pagmumulot ng mga kabibe’t mga batong may kulay. At tingin ko naman ay nasiyahan din siya. Hmmm, naaalala pa kaya niya ito?

Ito ang aking tubig entry para sa Litratong Pinoy. Ang litrato any kinunan sa isla ng Corregidor, taong 2004, salamat sa aking kaibigan na siyang kumuha nitong litrato habang nakatalikod kami.

Update (10 mins after): ngayon ko lang naalala na may dalampasigan category sa hulyo, haay, saan naman ako hahanap ng beach sa ganung panahon? Hehe, oh well.

27 Responses to “Walang hanggang dalampasigan.”

isang litratong punongpuno ng magandang alaala…’asan na kaya siya?’ ang ganda ng iyong pagkakasalaysay. magandang araw sa iyo.

Masarap sa tabing-dagat ano? Maraming makikita.

Me larawan ako ng maliit na alimango sa teacherjulie.com blag ko, under ng Photo Hunters, kung me time ka lang, baka ganun ang nakita nyo.

Wow! ang ganda tlga ng dagat!

Magandang Huwebes!

http://edsnanquil.com/?p=738

wow! ang gandang beach!

happy hwebes!

@RoseLLe: Nakakausap ko pa naman siya, kaibigan ko kasi talaga yun:D Grabe, ang dami kong naisulat tungkol sa kanya, hehehe.

@Julie: Ok naman, kaya lang sobrang init e. Hmmm, time nga ang kulang na kulang sa akin ngayon e, haay. hehe.

@Dyes: Mas maganda yung kasama ko, hehehe.

Haay…nakaka-miss ang beach. Ganda naman ng salaysay mo.
Magandang kuha din! Maligayang LP sa iyo!

haha! ok lang yan! kuha ka na lang ulet ng pics para sa dalampasigan prompt, maganda naman ang kuha mo ngayon :) maligayang huwebes sayo!

kinileg naman sa kasamang kwento :) at natuwa sa update me hehehe :)

Ito ang una kong LP entry na hindi sa week na ito kinunan:D yung mga nauna kasi e sa mismong day o wed ko kinunan e, hehehe. E eto 4 years before pa, at hindi ako ang kumuha. Scanned pa, hehehe.

@Joy: Maraming salamat:D Oo nga e, tagal ko na ring hindi nakapagbeach. Gara, di ko na nga maalala e, hehehe.

@ettey: Ang totoo, mero na akong naisip na litrato para dun e, hehehe:D ayus. Kasi naman bakit dalampasigan ang category e hulyo yun, hehehe.

@kaje: :D Natuwa naman ako, salamat! Parang ganyan lang ako magblog dati:D Nakakamiss din, e kasi wala na akong bagong major crush e.

kaibigan (mabagal na bigkas) o kaibigan (mabilis na bigkas) ha ha, damang dama kapatid ang ehem…pagmamahal

maganda shot , pero oo , mas maganda ang kasama mo ..o ha, nagbabasa ako talaga ha =)

ang ganda ng kalakip na kwento. :)
happy weekend!

@Thess: Oi anu yang sinasabi mo, hehehe:D may carme na ako e, hehe.

@christine: Maraming salamat:) Di ko lang nga masyado hinabaan na e, hehehe. Medyo nakalimutan ko na kasi, tsaka nasa opis ako nung sinulat ko yan, hehehe, kaya minadali:D

Naligaw ako sa paghahanap ng page mo hehe. Buti na lang at nakaabot ako dito sa dalampasigan…ang talas ng alala mo at nag enjoy ako sa kwento ha, gandang kuha, gandang kwento! Gandang Huwebes!

@G_mirage: Sa mga ganyang bagay, matalas talaga ang memorya ko, hahaha:D Salamat at nag-enjoy ka:D

arvin, maganda ang litrato pero mas type ko ang kuwento! kaaliw! :)
Waterfall
Fountains

Nakakaaliw ang lahok mo lalo na ang kuwento sa likod ng larawang ito. Masayang araw ng katubigan :)

o nga kahit nakatalikod damang dama ko ang lungkot ng kanyang paghahanap, kitang kita sa bali ng kanyang katawan

wow beach.. nakaka-sunburn

naks, ang dramatic ng kwento at ng litrato :)

antagal ko nang nakita yang picture mo na yan, pero ngayon ko lang nalaman na ikaw yan. :)
ehem, da moves ha. ^_^

ang galing naman nung pic.
galing din ng story mo pare.
wapak!
apir!

~la lang po. napabasa at napacomment.~

@Munchkin Mommy, nona, Girlie: MAraming salamat sa pagdaan:D Buti’t naaliw kayo, hehehe.

@juvil: Kaya nga e. Haay, kung hindi ko lang siya mahal nun, hehehe.

@Iris: Naks nga, hehehe.

@karmi: Da moves ba? siya nga yung nagdamoves sa akin, hahaha.

@Eloiski: Hmmm, hinid naman ako kumuha niyan kaya couldn’t take credit for it, hehehe:)

nwala ang aking komento ??? baka nasama kay Fermit the Crab :)

san na napunta si Hermit the Crab? hahaha, sweet nila. uuuuy ;-)

nakakainlab [yong post]. hehehe.

ang cute naman nun. hehe. naimagine kong naghahanap kayo ng hermit crab sa beach. nagkikita pa ba kayo? sa susunod na makita mo siya eh pumunta kayo ng ocean park manila. maraming hermit crab doon. :D

Leave a Reply