Wala na akong ibang maisip, eto na lang talaga.

‘Wag ka nang malungkot.

Thursday, 8th day of May 2008




Hindi niya makayanang ingiti ang mga labing nakalapat na sa bintana. Nakadungaw sa mundong ginagalawan gamit ang malalamlam na mga mata. Sa hindi sinasadyang sumpa’y mukha niya’y hindi na kailan pa ma’y nilulubayan ng lungkot at pagkabalisa.

Naipon na’ng lahat ng mga luhang hindi matuloy-tuloy sa pag-agos, sa pisnging hindi na muling kakikitaan pa ng siglang nilamon na ng lumbay na hindi matapos-tapos.

Hindi niya mabuklat ang kwadernong naglalaman sa mga salitang nagmula sa itinitibok ng kanyang puso. O anung parusa, dahil ang sarili niyang kamay na hindi maigalaw ang hadlang sa pagbabasa ng mga pahina nito, kaya’t habambuhay na siyang nakatitig, nag-iisip, kung bakit ba tadhana’y siya’y walang-awang nilalaro.

At kung dumating man ang kanyang iniirog, sabihin kung paano. Hindi niya siya malilingon, mahahagkan, at masasabihan na mahal kita, mahal kita, mahal kita sinta ko.

Sinasabi ko sa iyo, hindi kailanman naging pilit ang kanyang lungkot.


 

sa wakas, natupad na rin ang gusto mo. :) napikturan mo na rin ang ever famous kim chiu bus. late na malungkot entry. hehe.

grabe, ang drama. hindi ni kim ha, ang drama mo. hehe. san mo na naman nahugot yan? arvin ko talaga. idol. ^_^

hmmm. di na ata malungkot ngayon si kim, ikaw ba namang regaluhan ng kotse eh.. :)

Ay panalo… malungkot nga si chiu…

parang mas natatawa ako kesa nalulungkot.

napanood ko sa commercial, meron na silang bagong(bago nga ba?) telenovela sa dos. my girl philippines version. naku. hahaha

:) di ko pa nakikita ito ah

ganda ni kim.. pero mas maganda pa rin ako =))

 

You are currently not logged into an account. Login »