Walang klase, malawakang eleksyon kasi para sa student council at iba’t ibang clubs and organizations para sa susunod na taon. Walang tao sa loob ng classroom at dumating siya. Seatmates kami para sa huling quarter ng schoolyear, ok na ring pangwakas ng aking highschool life.
“Alam mo ba ito?”
May hawak siyang isang green na libro, na dalawang linggo ko na atang nakikitang pinagpapasa-pasahan ng aking mga kaklase. Hindi naman talaga ako palabasa ng libro kaya hindi ako naging interesado kung anu nga ba iyon. Meron pang isa, kulay dilaw na ewan ko ba kung nagjojoke ang mga nagbabasa, baligtad kasi.
Tinanong na rin niya ako kung kakilala ko si Bob Ong at sagot ko naman ay hinde. Dapat ata ay umoo na lang ako dahil hindi na niya itinuloy ang kanyang kwento dahil sa sagot ko. Umupo siya sa tabi ko at inaya akong makibasa sa kanya.
Bukas ang bintana at sa bawat pag-ihip ng hangi’y nalalanghap ako ang halimuyak ng kanyang mahabang buhok. Ang bango, sa kanya lang naging ganito kabango ang vaseline shampoo. Nakibasa ata ako ng kaunti ngunit mas makatuon ata ako sa mga daliri niyang nakahawak sa mga pahina nitong maliit na libro.
“Gutom na ko, bili lang ako ng pagkain ha. Dito ka lang, basa ka muna. Balik ako.”
Ewan ko ba kung bakit hindi ko siya sinamahang pumunta sa canteen, siguro’y tuliro pa ako’t nanaginip pang gising sa pag-iisip na siya’y muling magbabalik sa aking tabi.
Wala na siya, at hawak ko ang libro kaya sinumulan ko na talaga siyang basahin. Nakakatuwa’t nakakatawa ang kanyang mga kwento at swabe ang pagkakalahad sa bawat istorya, na parang isang palabas na walang patalastas.
Nagustuhan ko kaagad ang libro sa iilang linya pa lamang ng pagbabasa. Wala akong kaide-ideya na ito ang simula ng aking paglalakad sa landas patungo sa kanya.
Oo nga pala, hindi na niya ako binalikan.
Isang taon na ring akong nagbablog sa tabulas, at sa hindi ko na matandaang dahilan ay naisipan kong gumawa ng isang webservice (hindi pa uso ang salitang widget nuon), ngunit hindi ko alam kung paano. Hanggang sa nakita ko sa isa sa mga estante ng National Bookstore ang librong ito: Internet and World Wide Web How to Program.
Inaral ko kung paano magprogram for the web. At nabuo ang plano kong paglalagay ng daily Gospel readings sa mga blogs. Ngunit hindi ito naging madali dahil wala akong makitang formula kung paano nalalaman kung anong Gospel reading para sa isang specific na araw. Kaya’t napunta na lang ako sa Bible quotes, ang unang kategorya ng komski quotebox.
At bigla ko na lamang naaala ang isang librong naging paborito ko at alam kong marami ring tulad kong natawa’t nainspire sa mga linyang nakapaloob dito, ang ABNKKBSNPLaKo?!. At siyempre ay nabasa ko na dati pa ang faq ni bob ong kaya’t nagpaalam muna ako sa paggamit ng kanyang mga isinulat.
At 11:08 AM 8/5/2005 +0800, you wrote:
> From: arvin castro
> Date: Thu, 4 Aug 2005 18:55:54 -0700 (PDT)
> To: visprint@pacific.net.ph
> Subject: quote bob ong books
>
> pwede po bang kumuha ng mga limampung linya
> o higit pa mula sa mga libro ni bob ong?
> gagamitin ko po sana na random html sa aking website,
>
> may demo page po sa http://komski.blogista.com/quote
> para makita niyo ang guto kong mangyari,
> kung may oras kayo.
>
> ang mangyayari, pwede rin pong kopyahin
> ng ibang web authors ang code para
> maglagay ng ganung quotes sa kanilang webpages .
> sana naman ay ako’y payagan ninyo. ok lang po ba?
>
> o pwede akong makulong sa binabalak kong gawin?magkakaroon ba ng sariling category button ang bob ong quotes? kung oo, okay lang. ang importante may acknowledgment. optionally, kung may space rin sana para sa maliit na note na “with permission” saan man sa website, mas ok para alam din ng iba na gagaya sayo ang gagawin nila. hindi legal issue yon, pero paggalang na rin yon sa mga trabaho ng writer. at sa pangkalahatan ikinakatuwa rin naman ng mga writer na makita ang trabaho nilang nagagamit ng iba. (basta’t hindi lang lalabag sa intellectual property law!)
suggestion lang, pwede mo bang dagdagan ng kahit tatlong segundo pa ang quotes? masyado kasing mabilis para mabasa yung iba. saludo ako sa pagtuturo mo ng script sa iba. ipagpatuloy mo lang yan, arvin! =>
-BO www.visprint.net
Oo, nakausap ko na si Bob Ong, hehe:D Nagawa ko na nga ang widget at inadvertise ko siya sa aking tabulas. Nag-ikot-ikot ako sa mga tagboards upang mang-ispam, all-out. Meron ngang mga nagalit, pero mas marami ang natuwa. At umabot sa 250+ ang nakagamit ng aking random quotes.
Wala akong kaide-ideya na nakilala ko na pala siya nang hindi ko man lang namamalayan.
Sabi ng aming instructor dati ay isa lang daw sa mga manunulat sa Filipino department ng Unibersidad ng Pilipinas ang nagtatago sa pangalang Bob Ong. Sino nga ba siya nang makapagpasalamat, dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi siguro ako ganito ngayon.
oo, sobrang salamat kay bob ong, kasi pinakilala nya ang isang taong nagpapasaya sa akin ngyon.
Siguro nga’y hindi lang si Bob Ong ang naging dahilan, panigurado’y marami pang iba, kundi man lahat ng mga nangyari sa buhay ko’y naging aking daan patungo sa kaniya, at sa aming pagkakakilala.
Sino siya?
naunahan mo ako ah.. magpo-post din dapat ako tungkol dito eh.. ^_^
salamat sa lahat kung bakit kita nakilala.
syempre super thankyou kay sir Bob Ong at sa pagiging spammer mo dati.. hehe.. ang tagal na rin pala noh? nakakatuwang balik-balikan ung dati..
dapat ma-meet natin si Bob Ong, para makapagtenk you tau ng personal..
masaya talaga ako nagyon…
ikaw kasi eh. ^_^
Pwede ka rin naman magpost ng ganito ah, hehe:) Naisip ko nga parang tag, your own bob ong story, hehe. Malay mo, nakasalubong ko na pala yun sa faculty center nang hindi ko namamalayan.
Salamat talaga, pero mas nagpapasalamat ako sa iyo, dahil ikaw ang dahilan ng lahat ng ito, hehe, nasisisi *yakap*
Nga pala, hiatus pa rin ako, hehe:D
awaww.. teka teka. anu nangyayari waaaa!!! ahaha..
answit naman oh. ahaha. master komski. alagaan mu po heart ni mami karmi!
hehehe
after 758329 yrs
nagpost ka na din
hehehe
ako
may balak magpost
bwt macarthur
hehehe
un lang\
online ka
pwo
“not in my desk”
ang status
hehehehe la lang
Nako pow, dito pa naglambingan. LOL.
Yan ba ang hiatus pa rin? hehehe.
Welcome Back.
PS. Sosyal ka pala kuya, nakausap mo si BO kahit hindi sa personal. Sa tingin ko, pwede siyang maging Ninong sa kasal. HAHAHA.
aba

unang komento
ng datkomista ito dito
ako si bob ong
yeah yeah yeah
whatever.
parang may maniniwala naman?
akshuli ganyan din nangyari sa akin e
pinagpapasapasahan
yung berdeng libro ni bO
nung filipino subject ko
nung pers yir kolehiyala ako
e yung pers lab ko ang nagrereport nun
ayaw ko makinig
hahaha
ayun napabasa na lang ako ng libro ni bO
inuwi ko
ok naman siya
hanggang nasundan ng nasundan
ng pagbasa ng ibang libro niya
alam ko
nagkalabuan ata tayo
dahil sa widget na yan e
haha
those were the days
@mae-noodle: kasi naman, ang tagal mo nawala, napaglilipasan ka tuloy, hehe:) ikaw nga ang pinakamatagal ko nang kakilala, na hanggang ngayon e nakakausap pa rin. wala pang komski kowts nun, at nasa tabulas pa ako, hehe:D astig. Oo, yun nga ang gusto ko, ang alagaan siya.
@yeye: mac art hur ba? hmmm, ganung estilo ng pagkukwento ang gusto ko maisulat hehe:D Pero mga crushness lang ang mga kwento ko.
@noime: Hindi na ako hiatus. magpopost na lang ako every month siguro, ganun na lang. Hehe:) Oo nga nakausapko na siya. Sobrang advance ka naman mag-isip noi..
@xienah: Nawawala yung green book ko, may humiram ata. ‘Tas yung white book ko, nung binalik e may balot na, kasi naman, isang taon hiniram, gudlak. Oo nga, ewan ko kung anong nangyari sa kaso mo, pero ala talaga akong alam tungkol dun. Sana gumamit ka ulet, hehe.
lahat ng classmate ko nagbabasa ng greenbook na yan.. haha!
welcome back, kung tapos na nga ang hiatus m.. haha
gagamit ako?
baka akalain na talaga ng mga tao
ako na si bO
hahaha
aba ano yan?
rekwes o pakiusap?
parang pareho lang ata yun
pilitin ko ako
;;)
hahaha
pagiisipan ko yan.
kasi mas gusto ko yata
magkaroon ako ng xienahquotes
ambisyosa ako e
>:)
welcome back! buti nagpost ka uli matapos ang mahigit isang buwan. hehe
ilang beses akong natawa sa berdeng libro na yan. pinagpasa pasahan din namin yun ng mga katropa ko.