kundiman

karmi. komski. parehong 20-something. frustrated writer. rockstar wannabe. madrama. naruto fanatic. mahilig kumanta. cam-whore. charmed addict. loves twitter. writer kuno. isip-bata. idol si BO. mastermind ng komski quotebox. makulit. computer geeks. pero mas geek pa din si komski. mababaw ang kaligayahan. 14.

  • anneV: cute naman ng entry na ito. however, we don’t have that brand of candy here in sweden eh. cute blog...
  • ann: Love site pala ito..hehehe. dito ka na ba?
  • F: wagas na pagibig . teka pahingi ako ng kendi =)
  • ettey: syet!tumayo atang lahat ng buhok ko sa katawan ng mabasa ko tng post mo bigla akong kinilabutan at di naiwasan...
  • komski: Naku, masama pinaglalaruan ang pagkain, hehehe. Pero kung maaalala mo naman ako in the process, ok na rin:D...
  • MommyBa: ay ang sweet!!! Pramis talaga corny entry na lang gagawin ko, hehehe.
Subscribe to my feed




January 28th, 2008 | inlove, writings

*beep beep*

nagising ako sa tunog ng celphone ko. ke-aga-aga naman ng nagmamahal sa akin na un. one message received. napatalon ako sa aking hinihigaan ng mabasa ang mensahe.

gud am. kita n lng tau mmya ha. ingat ka. :)

putek, anong oras na? 9:30am sabi sa orasan. anong oras ba usapan namin? 11:30am pa naman. sakto, may oras pa para makapagayos. dali-dali kong kinuha ang aking tuwalya at dumiretso na sa banyo para maligo. binuksan ko ang gripo at hinayaang mapuno ng tubig ang timba. bakit ba kasi di ako nagising ng maaga? si-net ko naman ung alarm ah. pampam, di talaga ako nagigising sa alarm lang. nakakahiya kung male-late ako. di ako dapat ma-late. hindi. kahit na malamig pa ang tubig ay tiniis ko na lamang. para lang di ako ma-late sa usapan natin.

paglabas ko ng banyo ay nakita ako ng nanay ko.

anak, kumain ka na muna. bat ka ba nagmamadali? sabado ngayon, wala namang pasok.
opo ma, kakain ako pagtapos kong magbihis. wala nga po akong pasok, pero magkikita po kami ni rachelle sa mall. may bibilhin daw po sya eh.
ah ganon ba? sige. basta kumain ka bago ka umalis.
opo.

nagdahilan na naman ako. di ko kasi pwedeng sabihin na ikaw ang kasama ko ngayon. di nila maiintindihan kung bakit ako makikipagkita sayo at di rin sila papayag na makipagkita ako sa taong hindi ko kilala. pero mali sila dun, kilala na kita. araw-araw ba naman tayong magkausap sa chat, telepono at text, hindi pa ba kita makikilala nun? nakita ko na rin ang picture mo sa friendster kaya makikilala naman siguro kita agad-agad. mukha ka namang mabait at harmless. saka gusto na rin kitang makilala ng personal, kaya ako pumayag na makipagkita sayo.

Read the rest of this entry »

Malamig sa loob ng classroom.

David, right?
Yes ma’am.

Hindi ako nakapag-aral kaya’t paniguradong wala akong masasagot sakali mang matawag ako. Malay ko ba sa mga inner joins, set divisions at symbolic calculus. Hindi ko rin nasimulang magsulat ng notes para sa klaseng ito, kaya’t nakatago pa rin sa bag ang notebook kong puro drawing lang ang laman.

Naroroon siya sa kabilang dako ng silid-aralan. At hindi ko maiwasang paminsan-minsa’y magawi ang paglingon ko sa kanyang mukha. Nakikita ko siya mula sa aking kinauupuan. At kada tingala ko mula sa aking lamesa patungo sa pisara’y dumadaan muna sa kanya ang aking mga mata. Hindi ko mapigilan ang sarili kong tumigin sa kanya, at punahin ang ayos ng kanyang buhok sa lagpas sa balikat at pisnging may kaunting bahid ng kolereteng rosa.

I will give 10 points to anyone who will answer this correctly, anyone?

Hindi na ako halos nakikinig na sa pinag-aaralan. Lalo kasing nagiging mahirap ang mga konsepto, lumalawak, gumugugulo. Bahala na lang sa exam na sa susunod na sabado na ata. May maisasagot naman siguro ako kahit na paano. Nakikinig naman ako kahit sandali, nakikibasa kahit kaunti, nakikiaral kahit sasaglit.

Mas natutuon na tuloy ang aking atensyon sa kaniya, na nuong una’y hindi ko inakalang makikita ko sa klaseng ito, makakasama. Minsan-minsa’y napapatingin din siya sa direksyon ko o sa aking katabi, na kung magkatao’y nakikita ko siyang nakatingin sa akin at ako’y kung hindi man mapalihis kaagad ng tingin pababa sa lamesa, ‘di kaya’y matigilan sa pagkakatitig sa kaniya sa hindi kaagad pagkakapuna na ako pala’y kanyang nakikita na.

How would the query statement go… Arvin.

Nabasa niya ang sagot mula sa pagbukas ng aking bibig. Syet, kilala niya ko. Ngunit sa pagbanggit niya sa aking pangalan ay hindi siya nakatingin sa akin, bakit? Walang oras upang mag-over analyze, kailangang magsalita.

Class where not room = “MH309″

Nagpatuloy siya sa itinuturong aralin, at ako naman ay nakatingin pa rin sa kaniya, sa bawat bukas ng kanyang bibig, sa pagpikit ng kanyang mga mata. Seryoso ang kanyang ngiting naiiba sa aking nakikita sa karamihan, at nakakatuwa ang mga birong nakakatakas sa pagitan ng pagsulat sa pisara at pagtatanong sa amin. At sa aking sobrang pag-iisip ay napalingon ako sa aking katabi’t naitanong,

May asawa na ba talaga si Ma’am?
Bakit, interesado ka?

Walang patumpik-tumpik kong sinabing,

Oo.

January 25th, 2008 | blabbers

ame, lika nga sandali.

tinawag ako ng tatay ko kanina lang. di ko alam kung bakit, wala naman akong ginawang kasalanan. pero sa tono naman ng boses nya, mukhang may itatanong lang naman sya.

gusto kasi naming panoorin ung video na kinuha ko nung umuwi ako sa Pilipinas. pano ba mapapalabas sa TV un?

nakita kong nakakabit na ung videocam ng tatay ko sa TV namin. hinanap ko ang remote at saka binuksan ung TV. pinindot ung Input mode para mailipat sa Video1 ung channel.

nakabukas na po ba ung cam?
ay teka.

binuksan ng tatay ko ung cam, kaya lang walang nangyari. di pa rin lumabas ung video sa TV nila. sinubukan ko ulit pindutin ung Input mode. Video2. nakita ko na lang na kumakanta ung pamangkin ko.

ayan na dad. video2 pala.
salamat anak.

lahat ata ng bagong elektronics na nabibili nila dito sa bahay, ako ang takbuhan kapag di na nila alam kung anong gagawin. di ko alam kung bakit, eh pwede naman silang magbasa na lang ng user manual nito. ine-expect nila na alam ko kung anong gagawin kahit na di ko rin naman alam kung anong dapat gawin. kaya minsan nagmamarunong na lang ako. madalas naman eh nakakatsamba ako dahil nagagawa ko naman ung gusto nilang mangyari.

naalala ko tuloy nung bumili ng laptop ung kapatid ko. umuwi syang may dalang malaking box, tapos inabot sa akin.

ate, pakiayos na lang ha. gusto ko may internet na saka YM, limewire saka Office na rin. basta gusto ko ung laman ng laptop mo un din laman nito.

aba, kamusta naman ang request? gusto ko sanang tanungin, ano pa po sir? tiningnan ko na lamang sya at sabay binuksan ung box. kunwari pang ayaw ko, pero matapos ang isang oras, ka-chat ko na ung bestfriend ko gamit ung laptop nya. walang bayad ang services ko pero, mga one week namang naging mabait sa akin ung kapatid kong un. ayos na rin.

pero madalas din na di ko alam kung anong gagawin kapag may problema silang teknikal. dyan na sasabihin ng kapatid ko ang famous line nya na.. “kala ko ba IT graduate ka?” na ang madalas kong sagot ay, ‘eh ano ngayon?’ eh ano naman ang kinalaman nang pagka-IT grad ko kung di mareceive ng girlfriend nya ung mga text gamit ang Chikka? eh sa di ko naman talaga alam. nadamay pa tuloy ung course na natapos ko.

nak, tulungan mo nga akong ayusin tong bulaklak na ibibigay natin sa lola mo.
akin na ma.
kinuha ko ung bulaklak at inilagay sa vase. gupit dito, gupit doon. matapos ang ginagawa….
ma, ang pangit eh. pano na yan? di maayos ung pagkaka-align ng mga bulaklak.
ok naman eh. pantayin mo lang ito.
gupit ulit. kaso lalo atang di pumantay. gudlak, ang pangit talaga. para pa naman kay lola to.
sigurado kayo ma? ok na to?
oo. pwede na yan. kung hindi man eh di bili na lang tayo ulit. *wink*
bili na lang tayo ma, ako na bibi—
ate. patulong naman dito sa PC ko, nag-hang kasi eh. wala naman akong ginagawa.
pasigaw. ok saglit.
ma, kuha lang ako ng pera ha. basta tapon nyo na yan. nakakahiya kay lola eh. hehehe. tapos gagawa na rin ako ng card na ipi-print ko. ok?

bakit ba kasi di na lang gawing computerized lahat. malay ko naman sa flower arrangement?

buti na lang IT grad ako at may silbi pa ako sa bahay namin. pano na lang kung hindi? gudlak.