kundiman

karmi. komski. parehong 20-something. frustrated writer. rockstar wannabe. madrama. naruto fanatic. mahilig kumanta. cam-whore. charmed addict. loves twitter. writer kuno. isip-bata. idol si BO. mastermind ng komski quotebox. makulit. computer geeks. pero mas geek pa din si komski. mababaw ang kaligayahan. 14.

Chat with: karmi | komski | komski
*plugoo chat (opens in new window)

  • superboi: mommy naman eh. nang inggit? hahahha :)) ooops. hahaha :))
  • komski: Hala, hala, inaasar lang naman kita kanina. Sorry, di ko binawi kagad, e naiwan ko pa yung phone ko kaya di...
  • rio: karmi,ang sweet nyo tlgang dalawa ni arvin baby mo.. hay..wish u all the best, guys ramdam ko d2 ang kilig nyong...
  • Nona: Hi karmi, napadalaw ulit..at siyempre nagbasa. gaya mo ilang beses ko na ring iniwan ang pagbablog. Minsan...
  • webslave: ate! an sweet mo rin.. ayeeeeeeeeee… in lab talaga sila… i know how it feels to be in love and...
  • komski: Mahal na mahal din kita:D hahaha, as if para sa akin no? hehehe.

Subscribe to my feed




December 24th, 2007 | Uncategorized

Tiangge @ Pandi

Muli na naman akong nagbalik sa pagtitinda sa tiangge ng mga mahahabang maong shorts, curduroy pants, teen blouses, kid’s shirts, at kung anu-ano pang klase ng damit sa sa tingin ng nanay ko e uso. At least, for one day e naranasan ko, na muling baratin ng mga matatandang maybahay ng lipunan, gulu-guluhin at gamitan ng kung anu-anong math tricks para malito’t madulas ako’t mabawasan ang kanilang babayaran, daanin sa charm at sa pangiti-ngiti habang ipinipikit ang mga mata para magmukhang cute at sa huli’y tatawa na para bang ang pagtawad sa presyo’y ang kanilang sariling punch line, kulit-kulitin, takutin, i-intimidate at kung minsan ay i-seduce, mapa-babae man, lalake, o pareho.

Hindi naman na talaga maiaalis sa mga mimimili ang pagtawad. It’s psychological. It’s an art. Parte na ito ng kultura ng konsumerismo at pangangalakal. Pinag-aaralan, itinuturo, isang estilong ipinapasa-pasa sa bawat henerasyon.

I have nothing against haggling, hehe. Pinananatili nitong masigla ang buhay palengke, sa maganda mang paraan o hinde. Mas mabuti naman ito kaysa sa pasibong paraan ng pamimili na nararanasan halimbawa sa isang mall na ang tanging pag-iisipan lang ay kung gusto mo talaga o hindi ang itinitinda. Take it or leave it. Sa tiangge ay idinaragdag ang aspekto ng mapag-uusapang presyo. Parang Deal or no Deal kung saan kasama mong naglalaro ang iyong diskarte at swerte. Sa pamamagitan rin ng pagtawad ay nagkakaroon ng dagdag na interaksyon sa pagitan ng mamimili at manininda, sa barat at galante, sa suki at iniiwasan.

Ewan ko rin, hindi ko pa naman nararanasan na magtinda sa isang mall. Sinubukan kong mag-apply dati sa SM pero full-time job pala at hindi pang-summer lang ang inooffer nila at hindi pa ako 18 nun, hehe. Hindi ako sumusunod sa patakaran ng at ayaw nila yun, siyempre. Haay, sayang=) hehe.

Pero minsan e nakakainis rin ang mga sobrang barat na minsan ay sigurado kaming hindi naman bibili at talagang nanggu-goodtime lang ata. Minsan ay nakakaasar, nakakaloko, at nakakadegrade rin ng morale. Consumers can be harsh, lalo na kung nagkagrupo-grupong parang ralliyistang nag-aaklas upang mapagkalooban ng limampisong bawas sa presyo ng skinny jeans o zaido shirts. Kulang na lang ang mga plakards at ang pagsigaw in chorus. Natakot naman ako sa naimagine ko, hehe.

Pasko na sa Martes kaya’t maraming namimili ng pangregalo sa mga inaanak, damit pamasko at pang-exchange gift. Ngayon ay ang mga matatanda ang namimili, sila kasi ang may pera. Pero makalipas naman ng Pasko ay ang mga bata naman ang may pera kaya mapapansing sila naman ang nasusunod sa pamimili. Maraming tao sa palengke, masikip, magulo, masaya.

PS: Mas maraming bumili ng Zaido shirts kaysa sa Lastikman, haha. Mas marami talagang kapuso kaysa sa kapamilyang tulad namin. Sabi ng nanay ko ay sabi ng nakausap niya ay kaya ganun ay dahil pangit raw ang reception ng channel 2 kaya 7 ang pinanonood nila. Sabi ko naman, “Maganda naman ang palabas”, hehe. Nakita ko rin kanina yung crush ko at buntis na siya, wala lang.

Makapagtinda nga kaya ulit? hmmmm.

Leave a Reply

5 Responses to “Konting bawas naman”

buntis na ung kras mo? hahaha, at ang ganda pa rin nya.. lol

di ako marunong tumawad.. nanay ko ang magaling dyan! kaso minsan, ako na mismo ung nahihiya kapag sobra nang tumawad ang nanay ko.. hehehe.. talent ata un eh.. ^_^

lastikman poreber!!! i love you vhong.. hehehe

kaso, kras ko rin si marky cielo eh.. hay.. hirap nito.. ^_^

 

ako kasi
hindi ako tumatawad e
sasabihin ko na lang

?ate ganda, ano po yung last price nito??
sabay hawi sa buhok at demure
maswerte kapag lalake
ang tindero
mas epektibo
hahaha :)
ganun
prangka
straight to the point

diba?
kaya di na ako
magpapaliguyligoy pa
maligayang pasko!

 

@karmi: Oo, buntis na. Pero parang ang bata pa niya, gara. Ako rin, hindi ako marunong tumawad, hehe. Talent talaga yun!

Hindi na nga ako nakakapanood ng lastikman, sayang.

@xienah: Maswerte, haha. Sige sana bumili ka sa amin=) Sabihin mo yan para matupad. Tignan natin kung epektib nga yang teknik mo, hehe=)

 

Tatay ko naman ang mahilig mambarat. Grabe, biruin niyo yung sr100 kaya niyang gawing sr70. Xmpre, malaking kawalan na yun sa tindero, db? Haha.Sana mamnana ko yun,:P

Inatake lang ako ng allergy ko, kuya. Mas matindi ngayon.Kala ko insect bites lang. un pala.. hmp.;]

 

ako bakit kaya hindi marunong tumawad hehehehehe. para sa akin ang pagtawad ay isang talent. at wala ako nun hehehehehe meri pasko po komski!