kundiman

 

December 2007
S M T W T F S
« Nov   Jan »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Archives

Subscribe to my feed

Sana Ngayong Pasko

December 9th, 2007

Isang linggo na naming pinag-uusapan na hindi kami magpapasko ngayong taon. Dahil sa dinami-dami ng mga projects na kailangang gawin ay baka mawalan na kami ng libreng oras ngayong darating na Christmas break. Nariyan ang Android Mobile Phone App para sa CS 174, Friendster and Google Maps Mash-up sa CS 120, UPFI Database System sa CS 165 at siyempre, ang P2P Mobile App para sa thesis. Kamusta naman yun di ba?

Kaya ang magiging eksena'y  habang masaya ang lahat at nagkakantahan, kami naman'y nakasalumpok sa pc at nagcocode maghapon at magdamag, sana ganun, dahil dapat ay matapos ang mga ito ngayong pasko=) at ito ang unang kong wish, bilang sagot sa tag ni karmi.

Sana ay hindi ako magkasakit. Inuubo-ubo ako ngayon dahil sa sobrang lamig siguro, masakit ang lalamunan at mahirap lumunok. Hindi ko nga nga makanta yung part ko sa duet namin, hehe. Sana, matapos ko na rin yung kantang yun kahit bago mag-Simbang Gabi man lang.

Sana ay hindi ako tumaba pa lalo, dahil paniguradong mapapasabak ako sa kainan ngayong Christmas Season at alam kong kalahati ng mga kakainin ko ay ako ang magluluto, haha. Hmmmm, imposible ata ito ah. Babaguhin ko na lang, Sana ay pumayat ako next year. Oo na, sa sarili ko ring pagsisikap magmumula ang katuparan nito, hehe. At idedelete ko ang lahat ng magcocomment sa wish na ito, haha.

Gusto ko ng frosted glass mug, yung kulay puti, yung mataba at hindi yung matangkad. Hmmm, mahilig na ata ako sa mug ngayon, hehe. 

Gusto kong mamasyal, sa lugar na hindi ko pa napupuntahan, sa isang mall o kahit na anong pasyalan. Sana ay may mag-aya sa akin, hehe=) Pero yun nga lang, iko-contradict nito amg una kong wish. Pero kung isang araw lang naman, haay.

Gusto ko ng coin purse, dahil ang nabili kong bag ay isa lang ang bulsa bukod sa bag mismo. Kapag kumukuha kasi ako ng barya para ipambayad sa dyip ay lagi akong natutusok ng bolpen at baka mahulog pa't mawala ang mga kung anu-anong mga mahahalagang bagay dun tulad ng flash disk at bluetooth dongles, oo, may "s".

Sana ay tawagan ako ng 1 vs. 100, para sabihing kasali ako bilang isang mob member, hehe. Para naman makita ako sa tv kahit na isang beses lang=) Pero mas gusto ko ata yung maging 1. Pipiliin kong ten picks e yung 1-10, hehe=) o yung lahat ng nasa bottom left corner, kaysa naman random.

Sana ay maayos na naming magawa ang macaroni salad, dahil apat na taon na naming sinusubukan pero palpak pa rin, hehe. Once a year lang naman kaya inabot ng 4 years. Sana rin ay may bago akong matutunang iluto at sana ay magkaroon kami ng oven! Gusto kong magbake, hehe.

Hayan, yan na lahat ng naiisip ko ngayon e, hehe. Dahil malabo naman na magkaroon ako ng digital camera, malaking hardrive, video card, o bagong pc kaya? Laptop rin o phone kaya na pwedeng gamitin sa thesis namin, haay, kaya hindi ako magwiwish nuon. Hindi dapat umasa sa mga imposibleng bagay, hehe.

Waaah, hindi ako makapagconcentrate! Bigyan niyo na nga ng barya yung nangangaroling! Dun sa bag ko, meron. Dun nga kayo sa labas at bigyan niyo kagad bago pa sila lumapit! Arrrgggh…
- praning na nagcocode

6 Responses to “Sana Ngayong Pasko”

worst-case scenario lang yan, haha=) pero may naligaw nung isang araw.

tsong akala ko tapos mo na ung recording eh.. :) hehhe.. pagaling ka na lang muna, bago ka ulit kumanta.. ^_^

gudlak sa page-encode ha..

isa rin sa wish ko eh sana pumayat na ako! galing mo naman, marunong kang magluto.. samantalang ako, gudlak! hehehe.. :D
advance meri christmas tol!

ako kasi ang nagluluto ng handa kapag pasko, yung tipong spaghetti, salad, sopas, spaghetti, ah, spaghetti? hehe, yun na lang lagi. sana may bago naman=)

dec 9 palang may nangangaroling na sa inyo? hehehe

parehas tayo sa first wish!

wow idol talga! dami kayang gawin. singer, cook at marami pang iba. kaya naman masaya dumadalaw dito sa blog mo kasi andami ko nalalaman. hehe. keep it up idol! ;)
sana matupad lahat ng wish mo.

tama, mag-oojt ako bilang singing cook, hehe

Leave a Reply