Wala na akong ibang maisip, eto na lang talaga.

December 2007 Archives

Why join/leave I.PH

Thursday, 27th day of December 2007

[yourname].i.ph. Unang dahilan kung bakit ako nagsign-up dito ay dahil sa URL, ang ganda di ba? hehe=) That was still last year pero mapapansing nuong Setyembre lang ang una kong post dito. Yun ay dahil dati ay naguluhan ata ako sa interface nila, ‘tas hindi ko rin nahanap ang pinagkakaabalahan ko nuon, user-defined pages. Pero maganda naman ang URL so go!

Ease of use. Bumalik ako dito after kong tanggalin ang aking blog sa awardspace.com, dahil sa isang personal na istoryang hindi ko ikukwento, at natuwa ako sa version 2 nila. Nadalian akong iset-up ang blog at baguhin ang mga settings. Ni hindi ko na nga kailangan umalis pa sa main page ng blog dahil andun na lahat ng configuration.

Support team. Ang galing, you send them inquiries, bug reports, etc. and they reply as soon as possible. Tatlong beses ko sigurong nagamit yung Live Support kung saan makakachat mo in realtime ang isang i.ph team representative. Talk about service.

Features. Natuwa rin ako sa ibang features bukod sa blog, yung picture gallery tsaka music blog. Ilang kanta rin ang naiupload ko dun ‘tas madali pang isama sa post, kaya ok. I tried to find a third-party site to do just that pero wala akong makita. Kung pwede lang sana gawin yun sa multiply, hehe.

Nasabi ko na bang I love the URL? Ngayon, sasabihin ko naman kung bakit ako aalis ng i.ph.

Slow Servers. Ewan ko lang kung ako lang ang nakakaranas nito pero ang bagal magload ng blog ko na ito. Kahit na ito ang una kong binubuksan, nauuna pang lumabas yung mga ibang sites na binubuksan ko, tulad nung sa awardspace. Pareho lang naman kaming nasa Pilipinas kaya ewan kung bakit ganun.

Restrictions. Users could not alter the any html concerning the blog. For that, they have given the menus that will let you change templates, some general predefined styles for each template (and a very limited set of templates), the font and sizes. And I think that’s it. Masyadong limited yung control mo over your blog at dun nag-ugat yung ease of use, dahil sa konti lang naman talaga ang pwede mong gawin in the first place.

Framed scripts. This I hate the most. Users could not add javascript into their pages. You could add widgets, but…. BUT! these widgets are isolated in a separate frame and locked in a different subdomain. Walang kawala. Yes, magwowork naman yung mga widgets but not nicely. First to consider is how much vertical height would the widget take up? This is ok with widgets with height settings like my quotebox, but what about those with dynamic content i.e. Google Reader’s shared items, Twitter updates, etc.?

You either come up with widgets inside frames with scrollbars or, like me, ended up with over-allocated spaces to ensure non-overflowing content. It took me a while to know what the minimum height I could allocate MyBLogLog so it would not scroll.

Another downside of this is impaired functionality. Stats logging for example would not work in its fullest if it is placed on a separate frame. I.ph has a built-in plugin where a pop-up would preview links in the body of the blog. Yes, only the body ’cause it will not work on links inside frames, so good luck on blogrolls. Sayang di ba?

User-distrust. Nabasa ko sa forum na kaya raw ganun ang access sa scripts ay dahil sa security reasons. Huh? I mean, what could we do with javascripts? We couldn’t blow up our office or something. Hehe, wala lang. Javascripts by the way are client-side scripts so servers would only transfer the code as part of the page and the processing would be done on our browsers. Sana malaman ko kung anong security reasons ang sinasabi nila para maliwanagan ako dahil wala talaga akong ideya.

Calliope. What is Calliope supposed to be? Tingin ko e modified wordpress ito na idinagdag lang yung mga restrictions na sinabi ko kanina. They did everything so as not to make you touch any code. So you could just click some buttons and be happy after. Ewan ko kung bakit hindi na lang wordpress ang ginamit?

If I were just a regular blogger, then I would settle with a nice URL and standard features but I like tweaking a lot on the code, so I am now leaving i.ph. Ni hindi ko na nga malipat yung mga posts ko dito e, hehe. Because there was no way to do it but manually. Well, so long, farewell, I love to say goodbye!

F o l l o w m e t o

tim.id lip.net

Posted at 6:25 am | Permalink | 1 Comment

Hayaan mo akong magsulat

Tuesday, 25th day of December 2007

Nasabi ko nga karmi na sa dina-dami na ng beses na nagpalit ako ng website ay hindi na ako gaano excited masyado. Pero lumipat ako dito hindi dahil sa kung ano lang na dahilan. Hindi dahil sa wala akong magawa, kundi dahil sa may gusto akong gawin. Ang ilan pang detalye ukol sa aking paglipat ay mababasa sa aking huling blog.

Heto ako ngayon at nagsisimulang muli sa isang panibagong blog na handog ni karmi. Isang kaibigang hindi ko na maalala kung paano at kailan ko nakilala, haha. Pero dahil sa kanya ay mayroon na naman akong mapag-eeksperimentuhang bago=) Kaya ang post na ito ay para sa kanya. Maraming salamat!

Hindi ako sigurado kung ano nga ba ang mga isusulat ko dito, kung itutuloy ko ang aking nakagawian na sa aking huling blog, kung saan ang ito ay tungkol sa aking pang araw-araw na buhay, na parang isang blog talaga o muling ibabalik ang nakalimutan ko nang paggawa ng mga tula at likhang kwento [added] na siguro’y naaalala pa ng mga matagal nang nakakakilala sa akin (na tingin ko ay dalawa na lamang) . Ninanais kong likhain muli ang isang site na ako mismo ang magsusulat tulad ng kung paano ako nagsimula dito sa web [link]. Isang mahabang hmmmmmmm…

Isa lang ang hindi nagbago… marami pa rin akong gustong gawin.

Notes: huwaw, PHP5!!! hehe. Wala akong makitang free servers out there offering the new version=) at pwede na naman akong magscripted email hehe, among other things. (rest assured karmi, I won’t do anything in violation to any terms and agreements imposed by the webhost).

Oo, kamukhang-kamukha nito nung dati. Maliban sa bagong URL ay parang hindi ako lumipat. Pero hindi man nakikita ay, ibang-iba ito, hehe. Ang mga detalye ay mababasa sa aking huling blog.

Posted at 9:32 pm | Permalink | 9 Comments

Konting bawas naman

Monday, 24th day of December 2007

Muli na naman akong nagbalik sa pagtitinda sa tiangge ng mga mahahabang maong shorts, curduroy pants, teen blouses, kid’s shirts, at kung anu-ano pang klase ng damit sa sa tingin ng nanay ko e uso. At least, for one day e naranasan ko, na muling baratin ng mga matatandang maybahay ng lipunan, gulu-guluhin at gamitan ng kung anu-anong math tricks para malito’t madulas ako’t mabawasan ang kanilang babayaran, daanin sa charm at sa pangiti-ngiti habang ipinipikit ang mga mata para magmukhang cute at sa huli’y tatawa na para bang ang pagtawad sa presyo’y ang kanilang sariling punch line, kulit-kulitin, takutin, i-intimidate at kung minsan ay i-seduce, mapa-babae man, lalake, o pareho.

Hindi naman na talaga maiaalis sa mga mimimili ang pagtawad. It’s psychological. It’s an art. Parte na ito ng kultura ng konsumerismo at pangangalakal. Pinag-aaralan, itinuturo, isang estilong ipinapasa-pasa sa bawat henerasyon.

I have nothing against haggling, hehe. Pinananatili nitong masigla ang buhay palengke, sa maganda mang paraan o hinde. Mas mabuti naman ito kaysa sa pasibong paraan ng pamimili na nararanasan halimbawa sa isang mall na ang tanging pag-iisipan lang ay kung gusto mo talaga o hindi ang itinitinda. Take it or leave it. Sa tiangge ay idinaragdag ang aspekto ng mapag-uusapang presyo. Parang Deal or no Deal kung saan kasama mong naglalaro ang iyong diskarte at swerte. Sa pamamagitan rin ng pagtawad ay nagkakaroon ng dagdag na interaksyon sa pagitan ng mamimili at manininda, sa barat at galante, sa suki at iniiwasan.

Ewan ko rin, hindi ko pa naman nararanasan na magtinda sa isang mall. Sinubukan kong mag-apply dati sa SM pero full-time job pala at hindi pang-summer lang ang inooffer nila at hindi pa ako 18 nun, hehe. Hindi ako sumusunod sa patakaran ng at ayaw nila yun, siyempre. Haay, sayang=) hehe.

Pero minsan e nakakainis rin ang mga sobrang barat na minsan ay sigurado kaming hindi naman bibili at talagang nanggu-goodtime lang ata. Minsan ay nakakaasar, nakakaloko, at nakakadegrade rin ng morale. Consumers can be harsh, lalo na kung nagkagrupo-grupong parang ralliyistang nag-aaklas upang mapagkalooban ng limampisong bawas sa presyo ng skinny jeans o zaido shirts. Kulang na lang ang mga plakards at ang pagsigaw in chorus. Natakot naman ako sa naimagine ko, hehe.

Pasko na sa Martes kaya’t maraming namimili ng pangregalo sa mga inaanak, damit pamasko at pang-exchange gift. Ngayon ay ang mga matatanda ang namimili, sila kasi ang may pera. Pero makalipas naman ng Pasko ay ang mga bata naman ang may pera kaya mapapansing sila naman ang nasusunod sa pamimili. Maraming tao sa palengke, masikip, magulo, masaya.

PS: Mas maraming bumili ng Zaido shirts kaysa sa Lastikman, haha. Mas marami talagang kapuso kaysa sa kapamilyang tulad namin. Sabi ng nanay ko ay sabi ng nakausap niya ay kaya ganun ay dahil pangit raw ang reception ng channel 2 kaya 7 ang pinanonood nila. Sabi ko naman, “Maganda naman ang palabas”, hehe. Nakita ko rin kanina yung crush ko at buntis na siya, wala lang.

Makapagtinda nga kaya ulit? hmmmm.

Posted at 1:06 am | Permalink | 5 Comments