kundiman

 

November 2007
S M T W T F S
« Oct   Dec »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

Archives

Subscribe to my feed

Milky Chicken Adobo Meal

November 30th, 2007

Biyernes ng umaga at walang pasok pero maaga pa rin akong nagising. Naaalala kong ginising ako ng nanay ko para sabihing aalis siya para sa isang meeting at, hehe, kailangan niya ng baon. Wala naman daw akong pasok kaya kukunin niya muna ang pera ko sa bag na nakahalang lang sa kung saan-saan.

Natulog ako kagabi nang maaga dahil masakit ang ulo ko, at naisip kong baka kulang lang ako sa tulog.  Pero pagkagising ko'y naramdaman ko ang kirot sa ulo ko, haay.

Tinanong ko ang nanay ko kung may gamot kami at nagpatimpla naman ako ng kape. Ayun, napabangon kaagad ako pagkagising, at minsan lang yun, hehe.

At walang ulam. Bumili ang ditse ko ng kalahating kilong manok at ako ang magluluto. Oo, kapag kaming magkakapatid ang natitira sa bahay, ang sistema e sila ang bibili at ako ang magluluto.

Dahil ako ang nag-aral, natuto, at marunong magluto. 20 years of  trial and error, hehe=) and counting.

Adobo na talaga ang all-time favorite ulam ko. Kung may irarank ko silang lahat (at marami sila, hehe), ay ito na ang number 1. Madali pang lutuin.

At para makumpleto ang the best almusal meal na ito, ay gatas ng kalabaw sa kanin=) Mmmm, sarap, hehe.

6 Responses to “Milky Chicken Adobo Meal”

gatas sa kanin? huwaw. bago un ah. hehe. iba kasi samin, kape. astig nga eh. haha.

matagal ko nang gustong matutuong magluto. kaso nawawalan ako ng pasensya lalo na kapag napapaso ako. hehe. ;]

sarap naman ng adobo! hehehe..

adobo lang din ang mejo kaya kong lutuin!! ^_^

di ako batangueno. yung asawa nang tita ko (haha.tito na rin), siya batangueno. sa kanya namin natutunan .hehe.

batangueno ka no?=) Dito sa amin, gatas ang inilalagay, at weird kung kape, hehe=) sa tv ko lang nga napapanuod yung ganun.
“Necessity is the mother of invention”, parang ganun, natuto akong magluto sa kagustuhan kong kumain, hehe.

uhmm..pwede bang samin kana lang tumira? heee

ako, expert na sa pagluto ng adobo. hehehehe.

Leave a Reply