Wala na akong ibang maisip, eto na lang talaga.

November 2007 Archives

Milky Chicken Adobo Meal

Friday, 30th day of November 2007

Biyernes ng umaga at walang pasok pero maaga pa rin akong nagising. Naaalala kong ginising ako ng nanay ko para sabihing aalis siya para sa isang meeting at, hehe, kailangan niya ng baon. Wala naman daw akong pasok kaya kukunin niya muna ang pera ko sa bag na nakahalang lang sa kung saan-saan.

Natulog ako kagabi nang maaga dahil masakit ang ulo ko, at naisip kong baka kulang lang ako sa tulog.  Pero pagkagising ko'y naramdaman ko ang kirot sa ulo ko, haay.

Tinanong ko ang nanay ko kung may gamot kami at nagpatimpla naman ako ng kape. Ayun, napabangon kaagad ako pagkagising, at minsan lang yun, hehe.

At walang ulam. Bumili ang ditse ko ng kalahating kilong manok at ako ang magluluto. Oo, kapag kaming magkakapatid ang natitira sa bahay, ang sistema e sila ang bibili at ako ang magluluto.

Dahil ako ang nag-aral, natuto, at marunong magluto. 20 years of  trial and error, hehe=) and counting.

Adobo na talaga ang all-time favorite ulam ko. Kung may irarank ko silang lahat (at marami sila, hehe), ay ito na ang number 1. Madali pang lutuin.

At para makumpleto ang the best almusal meal na ito, ay gatas ng kalabaw sa kanin=) Mmmm, sarap, hehe.

Posted at 11:18 pm | Permalink | 6 Comments

Rocker na nga ba talaga?!?

Wednesday, 28th day of November 2007

Dumiretso na kayo sa opisina ng Inhinyero 2008 sa 2nd Flr. ng German Yia Hall at kumuha ng vote stub at isulat ng number 5, pagkatapos ay ihulog sa fish bowl-turned-drop box, para iboto ako bilang Best Creative Shot, o ha, hehe. Pwede rin ninyong itext ang <inhinyero> space <creative> space <5> at isend sa …. yan biro lang.

Alam ko naman na walang mararating ang litrato kong yan. Walang panama dun sa ibang 'di hamak na mas creative kaysa sa akin. Gusto ko yung naka-stockings ang ulo 'tas diaper lang ang suot at hinostage si teddy bear, haha. At the best si number 1, the god of plenty=) Pero siyempre, hindi ko sila binoto para hindi sila umangat sa standings, haha. Competitive 'to, pare.

Pero proud naman ako kasi naisip ko talaga yang shot na 'yan. Nangalap pa talaga ako sa kapitbahay namin ng microphone na hindi ata gumagana. Kita namang tinagpi lang ng masking tape kaya kita yung may white band sa hawak ko. Wala akong extensive na wardrobe kaya yung masikip kong jacket  na lang na green and black ang ginamit ko at ang urbanwhere na light green shirt na may black royal bird emblem print sa harap. Naisip ko ang lahat ng ito nung pauwi na ako, isang araw bago kami pumuntang studio na nasa may gitna ng CEU Manila (gitna talaga, weird nga e).

At ano ba naman ang isang rocker kuno kung walang fans=) kaya inaccomplice ko si tina, elaine at yung baklang nag-aayos sa amin para makijoin sa aking photo shoot, hehe, Sana nga mas marami pa para malubos-lubos na, kaya lang nahiya ako. Natuwa nga ata yung bakla dun sa akin kasi meron akong sariling ideya talaga, haha. Siya kasi yung nag-isip ng shot para dun sa mga nauna pa sa akin.

Naisip ko yung shot, nagawa ko naman gaya ng iniimagine ko (thanks sa photographer) at naappreciate siya ng iba by actually being chosen=) Minsanan lang mangyari ang ganun, hehe, kaya masaya.

Sana naman ay lumagpas man lang sa sampo ang bumoto sa picture ko, haha. Tatlo na kami kaya sana ay may pito pa. Hmmm, sana makita ko yung results.

Ano pang hinihintay mo? Boto na!

Posted at 4:33 am | Permalink | 7 Comments

Pangkulay ng buhok

Friday, 23rd day of November 2007

ang tilamsik ng tubig na mula sa paglapat
ng mga mabibigat na yapak
sa basang kalsadang inaagusan
ng papalakas na ulan
ay agad-agad ring humahalo't
sumasabay sa landas
ng sanga-sangang daan ng paghihiwalay

sa pagsambit mo ng mga katagang "Paalam."
at sa unti-unti mong pagtalikod sa aking harapan
ay pilit kong ngiti mo'y hanggang
sa huling sandali'y muli pang pagmasdan

ang tuloy-tuloy mong paglisan
at sunud-sunod na papalayong hakbang
ay parang isang napakagandang larawan
na aking walang magawang pinagmamasdan
habang ito'y unti-unting nabubura't
tuluyan nang naglalaho
at nakikita ko na lang ang aking sariling
nakatitig sa iyong kawalan

ngunit kahit ilang beses ko pang
paulit-ulit na ipinta
ang isang magandang larawan
na imahe mo ang nagbibigay halaga
at kahit paulit-ulit din itong mabura,

hahawakan ko pa ring mariin itong brotsa,
iipunin ko ang natitirang pintura
at muling magsisimulang puminta

Dalawang taon na ang lumipas nang isinulat ko itong tula. At dati nung hinagilap ko lahat ng mga isinulat ko'y nalaman ko na wala pala akong kopya nito, dahil ang tanging kopya kung saan ko ito isinulat ay ibinigay ko sa kanya (pinost ko rin ito sa komski.blogista.com pero nawala naman yun at wala akong backup). Pagkalipas ng dalawang taon ay muli ko itong nabasa, dahil isinulat niya ako ng isang kopya.

Minamahal ko siya. >

Posted at 4:21 am | Permalink | 9 Comments