kundiman

 

October 2007
S M T W T F S
« Sep   Nov »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Archives

Subscribe to my feed

Slowest Geek

October 5th, 2007

Yahoo Hack Day

Sabi nila, resorting to the manual is conceding to defeat. hehe. Pero wala naman akong magagawa, e sa ngayon lang ako nakahawak ng ganitong magandang system. Nung wednesday kasi ay sinabihan kami ni eric na yung mga pc raw na gagamitin para sa Yahoo! Hack Event ay nasa exhibit room at pwede na kaming pumunta dun para mag-setup.

2.4 GHz Intel Core 2 Duo 1044 FSB, 1 GB DDR RAM, 128 MB GeForce Video Card, DVD-CD Writer Combo drive, 17"  LCD  monitor. Hindi ko natignan kung anung size nung harddrive pero mukhang 80 GB o baka nga 120 GB. Langya, ang layo nito sa kung anung system ang ginagamit ko ngayon, haay, hehe.

Pero bakit nga ba kami pinapagamit nitong bagong system? Yun ay dahil sa darating Yahoo! Hack Event. Kung saan kailangan kaming

Yahoo Hack Day

gumawa (required) ng isang web service, plugin o extension sa isang existing Yahoo! service. Focused sa answers, flickr, messenger, mail, pipes, del.icio,us at search. At ang deadline ay sa tuesday next week, gudluck naman, dahil wala pa kaming nagagawa sa grupo.

Thinking na may dalawa akong exam sa sabado at isa sa lunes. May tatlo pang probset na kailangang gawin, haay. Yung isa pang exam ay CS 131 yung subject na dehado ako dahil math at kailangan ko talagang pumasa.

Naisip naming application ay isang conversation plugin sa Yahoo! Messenger kung saan makakapaglaro ka ng jigsaw puzzle kasama nung kausap mo. Bale magtutulong kayong bumuo ng isang jigsaw puzzle at ang picture ay kukunin sa flickr, gudluck talaga. Madali lang yung jigsaw puzzle, ang mahirap ay yung pagcollaborate between two users. Workable naman pero ewan kung kaya ng dalawang araw. Sana.

2 Responses to “Slowest Geek”

gudlak tol! bc-bchan na naman pala..

sana lang pwedeng iuwi ung PC na ginamit nyo after nung event no? hehehe..

gudluck nmn dun! haha. ganyan tlga.. me too.. nung student pa, always nagccram para sa mga projects.. hmm.. until now nmn pala sa work, nagccram pa din ako. hehe

Leave a Reply