
Alas-dos ko kanina ginagawa 'tong post na ito, kaya lang ay tinigilan ko dahil may kung anong puting bagay ang dalawang beses na dumaan sa aking tagiliran. Kita mo namang black ang blog ko kaya madaling makita ang reflection ng mga nasa likod mo, kung titigan mong mabuti. Haha, tinakot ko ang sarili ko=)
Dali-dali kong shinutdown ang pc at sabay takbo, papanik sa aking kwarto. Ni hindi na nga ako nakapag-cr, hehe. Nakapanuod kasi ako ng noypi na puro tungkol sa multo at third-eye people, 'tas nagpunta sila sa iskul namin at dun pa sa may tapat kung saan kami sumasakay kapag gabi nang umuuwi galing sa paggawa ng thesis, dun pa sila naghanapan at nakahanap ng multo , haha. Ayoko na.
Meron nga pala akong online script dati, that lets anyone place sadako in their pictures=) Yun yung ginamit ko e, hehe. Pero medyo hindi siya gumagana as expected.
Takot ako sa dilim, kapag mag-isa lang ako, dahil kung anu-anong bigla ko na lang maiisip, hehe. E madali ko namang mapaniwala ang sarili ko.

Nakita ko yung trailer nito nung nanood kami ni Tina ng Libera Me at ang nasabi ko, "Papanoorin ko ito". At nung isang araw nga ay nadownload ko na ito, yay! Kasi naman, parang kakaiba yung monster film na ito, na parang may comedy pa sa trailer, at tama nga ako. Una sa lahat, hindi ko ito matatawag na isang monster film.

Hindi ito yung film na sa umpisa ay may madidiscover na isang monster ang isang grupo ng mga tao 'tas yung kasunod na 60% nung film ay ang pagtakas ng mga bida mula dun sa monster habang isa-isa silang nilalapa, kinakain, hinihiwa ang katawan, sinusunog, o kahit na ano pa mang majestic na paraan na maisip ng director para mapatay ang isang human being na mabagal tumakbo. At kapag naubos na ang lahat ng mga character na hindi naman importante at ang natitira na lang ay mga bida o kung sino mang cute na character na alam mong mabubuhay sa dulo ay tsaka lang sila lalaban sa monster at siyempre, sila ang mananalo. Oo nga pala, darating ang mga militar/navy/seals/pulis sa dulo.
Tama, iba ang film na ito (Siguro kasi kakaunti at puro ganun ang napapanood ko, hehe).
Focused yung film sa mga tao, how they deal about the situation. First-hand onlookers, reporters, the goverment, the military, pati ang recklessly all-intruding foreign country, hehe. Pero siyempre, ang mga bida ay ang isang pamilya, na pilit tinutugis yung monster (haha, yung "monster") dahil sa umpisa nung film ay inabduct nung monster yung anak nung bida. Yung babae yun dun sa picture sa taas, ang cute niya di ba? Hehe, kaya lang teenager pa lang, haha.

Ang alam ng lahat ay patay na siya pero tumawag siya bigla dun sa tatay, isang gabi. Kaya lang ay ayaw naman siyang paniwalaan ng mga awtoridad. Kaya sila na mismo ang gumawa ng paraan para irescue ang kanyang anak, habang pilit silang hinuhuli ng mga pulis at mga taong interesado sa reward money.
Puno ng drama 'to. Mas matimbang nga ata yung drama kaysa sa horror part o suspense. Naiyak nga ako, o pinilit kong umiyak nung nasa operating table yung tatay 'tas ayaw siyang pakawalan nung mga doktor na pinagpipilitan na siya'y nababaliw na dahil sa isang virus. Kinalaban niya kasi yung monster 'tas nabahiran siya ng dugo. Siyempre gusto niyang sagipin ang kaisa-isa niyang anak, haay. 'Tas natawa naman ako nung naghostage siya at tinakot ang mga doktor na tuturukan niya sila ng kanyang dugo na may virus kuno, haha.
Kaya lang medyo ayoko ng ending, hehe. Eto nga pala yung trailer.
[video align="align-center"]http://www.youtube.com/watch?v=bNbZE8NX0nk[/video]
Nagtataka ako kung bakit parang hindi nauubos ang mga readers ng Ako, rocker!?! entry post. Akala ko ay dahil ito ang "Most Popular" post ng aking blog ngunit hindi pala yun ang ugat dahil hindi naman sila mapapadpad dito in the first place di ba, hehe. Na-curious lang naman ako at natapos nga ang pagtataka na ito nang tinignan ko ang aking website stats.
Search engine results for the keywords "tuyot na'ng damdamin silent sanctuary" point direct or indirectly to that post. Sa Google nga e, yung sa blog ko lang talaga ang tanging resulta. Sa Yahoo! naman, first 2 links out of only 4 results. Haha, at ngayon ko lang nalaman na wala pala dapat 't' dun, hehe. May napapala rin pala ang wrong ispeling.
komski kuno - rebound (Silent Sanctuary)
[audio:http://www.fileden.com/files/2008/1/12/1694007/komski%20-%20Rebound%20%2864%20kbps%29.mp3]
Ito ang kauna-unahang kanta na Silent Sanctuary na napakinggan ko at simula noon ay sinubukan ko nang mapakinggan ang lahat ng kanilang mga kanta, hehe. Gusto ko talaga nung violin/cello/atbp. sound na yun. Tapos puro love songs pa yung mga kanta nila, hehe.
Naghahanap nga ako ng Rockestra versions nung "Endless a Silent Whisper" ng Urbandub at "Tulog Na" ng Sugarfree, haay=) Sana maglabas sila ng Rockestra album. Nga pala, napakinggan ko yung "Other People's Music" ng Campus Radio dati, featuring who else but Silent Sanctuary, at sila pala ang organizers at nag-arrange nung mga kanta sa Rockestra, hehe. Astig talaga.