kundiman

karmi. komski. parehong 20-something. frustrated writer. rockstar wannabe. madrama. naruto fanatic. mahilig kumanta. cam-whore. charmed addict. loves twitter. writer kuno. isip-bata. idol si BO. mastermind ng komski quotebox. makulit. computer geeks. pero mas geek pa din si komski. mababaw ang kaligayahan. 14.

Chat with: karmi | komski | komski
*plugoo chat (opens in new window)

  • superboi: mommy naman eh. nang inggit? hahahha :)) ooops. hahaha :))
  • komski: Hala, hala, inaasar lang naman kita kanina. Sorry, di ko binawi kagad, e naiwan ko pa yung phone ko kaya di...
  • rio: karmi,ang sweet nyo tlgang dalawa ni arvin baby mo.. hay..wish u all the best, guys ramdam ko d2 ang kilig nyong...
  • Nona: Hi karmi, napadalaw ulit..at siyempre nagbasa. gaya mo ilang beses ko na ring iniwan ang pagbablog. Minsan...
  • webslave: ate! an sweet mo rin.. ayeeeeeeeeee… in lab talaga sila… i know how it feels to be in love and...
  • komski: Mahal na mahal din kita:D hahaha, as if para sa akin no? hehehe.

Subscribe to my feed




 pupungas-pungas pa ako nang ako’y magcheck ng e-mail ko sa Yahoo.. 3 unread messages daw ang sabi.. ayos, may nagmamahal sa akin.. kaso ito ang bumulaga nang aking i-click ang Inbox ko….

what the!!!!?!!!! :( anong nangyari? nasan ang Inbox ko?!

ilang refresh na ata ang ginawa ko, wala pa rin… binura ko na ung temp. internet files ko at history, pero wala pa rin… sakto, kausap ko si pare, kaya pinabuksan ko sa kanya ung e-mail ko.. anak ng tuknene! nabuksan nya.. waaaaa.. bakit kaya ganon? :( pati dun sa PC namin, nabuksan ko naman.. bukod tanging dito lamang sa laptop ko hindi ko mabuksan… bakit kaya? :(

hindi ito maaari… e-mail ko un.. andun lahat ng importanteng mga e-mail sa akin.. e-mail address ko na un mula pa nung highschool ako.. tapos bigla na lang magkakaganito? naisip ko, baka na-hack.. pero nabubuksan naman sa ibang computer… lech…

*praying mode*

papa God, sana po mabuksan na ung e-mail ko.. promise po, di na ako magche-check ng email kapag nasa trabaho..

hay…

sana nga, maayos na ito….

update:
tenk you po! nabuksan ko rin after ilang minutes kong pagre-refresh at pagmamakaawang sana’y mabuksan na.. ^_^ yahhooo!!!

kaso the question still remains… bakit kaya nangyari un?! hmmmmmm…….

September 24th, 2007 | LSS, emo daw

Sabihin mo na kung babalik ka pa,
Para di na mag-hintay.
Sabihin mo na kung aayaw ka na,
Para lang malaman ko.

Sabihin - Zelle

di ko alam kung anong nangyari.. kung bakit andito na naman ako sa daang pilit ko nang iniiwasan.. di ko alam kung ano ba talaga ang gusto mo..

please lang…

sabihin mo na….

FYI: trip ko lang magdrama ngayon.. ganda kasi ng kanta eh…

September 23rd, 2007 | blabbers

kahapon, Sabado, nagpunta kaming magkakapatid sa mall.. nakabili naman ako ng sapatos na pampasok sa trabaho.. nung nasa cashier na ako para magbayad, ito ung naging pag-uusap namin ng cashier..

cashier: good morning. did you find everything OK?
ako: yes, ma’am.
(scan dun sa binili kong sapatos)
cashier: do you want to donate a dollar for the Diabetes patients?
(isip-isip… one dollar lang naman.. sige na, para may good deed for the day na ako…)
ako: OK
cashier: that’s great. and for your dollar, you can have one of these: water, coke or dr. pepper
ako: (tingin sa kapatid ko) tol, anong gusto mo?
kapatid ko: kahit ano ate
ako: ok, i’ll get a coke.

paglabas ng mall..

ako: yan, nakapagdonate ako ng $1 para sa mga Diabetes patients, may coke pa ako..
kapatid ko: o nga, nagdonate ka nga para sa may mga diabetes, ikaw naman magkaka-diabetes nyan…
ako: ….. sana pala tubig na lang ang kinuha ko…

paguwi ng bahay, ipinatong ko lang ung coke sa table namin.. di ko ito ininom.. nagdi-diet kasi ako eh… ^_^