Wala na akong ibang maisip, eto na lang talaga.

January 2007 Archives

I hate myself again

Tuesday, 30th day of January 2007

Nais ko nang mamatay. If there by any chance I could die, I’ll take it. Wala na akong pakialam kung padalos-dalos man itong desisyon, pero ngayon, ang tanging nasa isip ko lang ay gusto ko nang mamatay.

Hindi ko alam kung anong sunod kong gagawin, hahayaan ko bang maging kaibigan ka? o pipiliting kalimutan ka na lang? Hindi ko kayang kalimutan ka, araw-araw, makikita kita at maaalala ko ang pagmamahal ko sa iyo. Baka makaya kong alisin ka sa isip ko kahit mahirap ngunit alam kong hindi kita maiaalis sa aking puso.

kung lalapit ba ako’y iyong makikita?
madarama mo ba ang pusong lumuluha
maririnig ang boses nitong isinisigaw
ang ngalan mo, na mahal ka nito?

Posted at 3:04 pm | Permalink | Add a Comment

Minamahal pa rin kita

Sunday, 28th day of January 2007

Huwag mong naising ikaw ay aking limutin, dahil ngayong wala ka na, ang alaala mo na lang ang tanging bagay na naiwan para aking mahalin. Huwag mo sanang hilingin na pag-ibig ko’y sa iba na lamang ibaling, ‘pagkat puso ko’y ikaw ang napiling ibigin, kabuuan nito’y inilaan ko na sa iyo at ito’y dadalhin mo saan ka man patungo. Kaya’t paano pa ako iibig sa iba kung puso ko’y nasa iyo, at kung mangyaring ikaw muling magbabalik ay bubuuin mong muli ang aking sarili dahil ngayo’y hindi kumpleto ang buhay ko, ngayong ikaw ay malayo at wala sa piling ko.

Kapiling nga kita ngunit hindi ka naman akin.

Posted at 12:15 pm | Permalink | 2 Comments

I hate me

Saturday, 27th day of January 2007

Kanina ko unang naramdaman kung paano gustuhin ang magpakamatay. Habang naglalakad kasama siya, habang sinasabi niya sa akin na ayaw na niya, na wala nang pag-asa ang pagmamahal ko sa kaniya, I wanted to die right then and there. Ninais kong humarang sa harap ng paparating na tumatakbong sasakyan, masagasaan at noon di’y mamatay kaagad-agad.

Isang malaking pagkakamali ang nagawa ko. Mahal ko siya ngunit hindi ko siya pinahalagahan. Nagkulang ako nang sobra-sobra. Binalewala ko ang lahat ng paghihirap niya na ako rin ang nagdulot. Ngayon kung kelan sinara na niya ang puso niya para sa akin, inalis ang puwang na noo’y inilaan niya para sa akin, kung kelan hindi ko na mabubuhay pang muli ang pag-ibig niyang ako rin ang pumatay, tsaka ko lang natanto na parang pinatay ko na rin ang sarili ko dahil sa ginawa ko.

Tumugma na ang lahat ng aking mga tula sa kaniya at sa aming sitwasyon ngayon. Mag-uumpisa na naman akong lumikha ng mundong siya ang bumuo, isang birong hindi ko kayang aminin. Pagmamasdan ko siya mula sa kalayuan, araw at gabing hindi maiiwasan at gugustuhing mapanaginipan, hihiling ng isa pang pagkakataon, mananatili sa walang kamatayang kahapon, magmamahal, mangangarap, mababaliw at muling na namang pagkakaitan ng tadhana’t panahon.

Hindi ko hinangad na maging parte ka na aking mga tula, dahil ang mga tulang ito’y dulot ng kabiguan at kalungkutan. Minamahal kita at mamahalin pa rin kahit na sabihin mong ika’y akin nang ibaon sa limot.

Posted at 12:15 pm | Permalink | 2 Comments