sa konting sulyap
’sing tagal nang ’sang saglit
sa konting panahong
makita kang pilit
sa gilid ng matang
dumako sa ‘yong labi
ninais kong mahaplos
ang matamis mong ngiti
humarang ka sa hangin
na sa akin ang pag-ihip
nang madala nito
ang taglay mong samyo
tumapat ka sa liwanag ng araw
nang kahit man lang
anino mo’y lumapat
sa kamay ko’y aking masapo
kung iniisip mo kung bakit ganun yung title, yun ay dahil ginawa ko ito habang nag-aantay ng klase ko sa math sa may math building (duh). E dun ako umupo sa tapat ng classroom ng crush kong instructor, hehe=) ginawa ko yan habang tinitignan siya paminsan-minsan. may exam sila kaya bwenas, nasa pintuan siya at nakaupo lang.
tol! la na ung manilenya eh.. dito na muna ako tambay..
hehehe..
Happy New year!!!