sa konting sulyap
’sing tagal nang ’sang saglit
sa konting panahong
makita kang pilit
sa gilid ng matang
dumako sa ‘yong labi
ninais kong mahaplos
ang matamis mong ngiti
humarang ka sa hangin
na sa akin ang pag-ihip
nang madala nito
ang taglay mong samyo
tumapat ka sa liwanag ng araw
nang kahit man lang
anino mo’y lumapat
sa kamay ko’y aking masapo
There she goes again. She runs as fast as she does on my brain, flinging her long, next-to-black hair that never fails to catch my eyes. She mesmerizes me with every step, every turn, everytime. I await endlessly to chance upon her beautiful smile, which she casts with every conversation. How I wish I could the one to make her smile, smile so happily that her eyes would turn crescent?
The closer she gets to me, the faster my heart beats for her.
Nabasa ko dati na ang panaginip daw ng isang tao ay sumasalamin sa kanyang mga hidden desires at mga ideyang palutang-lutang sa kanilang subconscious state of mind na sumusurface habang nakaidlip sa tinatawag na REM sleep ( Rapid Eye Movement Sleep ). Hinde, huwag kang masyadong maniwala dahil hindi rin ako sigurado sa mga kababanggit ko lang na medical terms.
Sa isang panaginip, kahit ano pwedeng mangyari. Pwedeng magbago ang mundo, maari kang lumipad, maaring masunog ang bahay mo pero paggising mo e ayos naman. Pwedeng kang maging parang superhero na nakikipaglaban sa mga masasamang elemento. Magkaroon ng limpak-limpak na pera, mansyon na sobrang laki, girlfriend na sobrang ganda o chicks na sobrang dami. Pwede kang magkaroon ng magarang kotse, sarili mong swimming pool at kung ano-ano pang mga hindi naman tunay sa totoong buhay. Pero kung kahit ano pwedeng mangyari sa isang panaginip, bakit nung nanaginip ako kagabi,
ay hindi ka pa rin naging akin. Kahit sa panaginip lang?