kundiman

karmi. komski. parehong 20-something. frustrated writer. rockstar wannabe. madrama. naruto fanatic. mahilig kumanta. cam-whore. charmed addict. loves twitter. writer kuno. isip-bata. idol si BO. mastermind ng komski quotebox. makulit. computer geeks. pero mas geek pa din si komski. mababaw ang kaligayahan. 14.

Chat with: karmi | komski | komski
*plugoo chat (opens in new window)

  • superboi: mommy naman eh. nang inggit? hahahha :)) ooops. hahaha :))
  • komski: Hala, hala, inaasar lang naman kita kanina. Sorry, di ko binawi kagad, e naiwan ko pa yung phone ko kaya di...
  • rio: karmi,ang sweet nyo tlgang dalawa ni arvin baby mo.. hay..wish u all the best, guys ramdam ko d2 ang kilig nyong...
  • Nona: Hi karmi, napadalaw ulit..at siyempre nagbasa. gaya mo ilang beses ko na ring iniwan ang pagbablog. Minsan...
  • webslave: ate! an sweet mo rin.. ayeeeeeeeeee… in lab talaga sila… i know how it feels to be in love and...
  • komski: Mahal na mahal din kita:D hahaha, as if para sa akin no? hehehe.

Subscribe to my feed




October 11th, 2006 | Uncategorized

“Ano yan? tripol e?”
“Unfortunately yes, hindi ako na-exempt e.”

Nakita nya ko, eto, nakaupo sa may koridor ng ikalawang palapag ng aming building, sa may tapat ng department, habang nagbabasa tungkol sa mga pagkokompute ng kuryenteng dumadaloy sa mga kabit-kabit na kable.

Sa humigit-kumulang na limampung estudyante, mga walo lang kaming hindi pinalad na naisalba ng iskor namin sa mga nakaraang exam, sabi ng teacher ko, “these students need to take the finals in order to pass the lecture class”.

bagsak ang standing ko.

“goodluck”
“oo nga, sana makapasa ko”

kahapon pa lugmok ang mukha ko dahil kailangan kong makakuha ng higit sa walumpung porsyento ng exam na tama kundi ay uulitin ko ang subject na ito, pero dahil sa nakausap ko siya, ngumiti ako kahit sa konting sandali lamang at bahagya akong nabahiran ng saya.

iniisip ko na sana ay masabi ko ito sa kanya.

“patabi ha”
“sige… ”

Nakakahiya, pero wala naman akong magagawa, hindi ako nag-aaral, o late ako kung mag-aral, kung kelan agaw-buhay na ang grades ko, kung kelan naghihingalo na, kung kelan 50-50 na ang pag-asa kong pumasa. Hindi tumatak sa isip ko na ang pag-iwas ang pinakamabisang gamot sa isang karamdaman.

Yun nga lang, hindi pa huli pero nag-sisisi na ko.

“….”
“… …”

Ang ganda niya talaga. kahit alam kong hindi ako dapat huminto sa kakaaral ay hindi ko mapigilang matigilan at mapatitig sa kanya, sa kanyang mukha. Sana ay dito na lang muna siya habang nag-aaral ako para naman hindi lamunin ng pagkatuliro ang isipan ko. Masaya kong katabi ko siya kahit hindi naman niya alam.

Leave a Reply