Wala na akong ibang maisip, eto na lang talaga.

October 2006 Archives

huwag kang bibitiw bigla

Tuesday, 17th day of October 2006

May mga taong hindi kayang bumitiw sa mga alaala ng nakalipas dahil tanging ang mga alaala lang ng tao ang hindi nagbabago, bukod pa dun ay wala nang iba, nabasa ko minsan sa blogspot ni textmates. Pero hindi ako sigurado kung yun nga yung nakalagay dun o yan lang yung pagkakaintindi ko.

Maganda siguro kung ang mga alaalang ito ay yung masarap balik-balikan.

Umiiyak ka nun, pagkakatanda ko. napatitig ako sa malungkot mong mukhang nabahiran ng luha. Nung una’y nakangiti ka pa, ngunit siguro ay para lang subukang pigilin ang nangingilid na mga mata. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko naman maitanong kung anong problema dahil alam ko na, at baka lalo ka lang malungkot. Hindi mo kailangang magpaliwanag.

Sana ay masabi ko sa iyo na nandito lang ako’t sasamahan kita ngunit nanatiling tikom ang bibig ko. Hindi ko kayang makita kang umiiyak, nahihirapan ako. Hindi ako makapagsalita.

Naisip mong wala akong kwenta, nandun nga, ngunit wala man lang nagawa upang maibsan ang iyong nadaramang kalungkutan. Pero siguro’y nakalimutan mo ang nangyari. Pero hindi ako.

Wala akong nagawa sa oras na kinailangan mo ako.

Posted at 1:00 pm | Permalink | Add a Comment

Tripol e

Wednesday, 11th day of October 2006

“Ano yan? tripol e?”
“Unfortunately yes, hindi ako na-exempt e.”

Nakita nya ko, eto, nakaupo sa may koridor ng ikalawang palapag ng aming building, sa may tapat ng department, habang nagbabasa tungkol sa mga pagkokompute ng kuryenteng dumadaloy sa mga kabit-kabit na kable.

Sa humigit-kumulang na limampung estudyante, mga walo lang kaming hindi pinalad na naisalba ng iskor namin sa mga nakaraang exam, sabi ng teacher ko, “these students need to take the finals in order to pass the lecture class”.

bagsak ang standing ko.

“goodluck”
“oo nga, sana makapasa ko”

kahapon pa lugmok ang mukha ko dahil kailangan kong makakuha ng higit sa walumpung porsyento ng exam na tama kundi ay uulitin ko ang subject na ito, pero dahil sa nakausap ko siya, ngumiti ako kahit sa konting sandali lamang at bahagya akong nabahiran ng saya.

iniisip ko na sana ay masabi ko ito sa kanya.

“patabi ha”
“sige… ”

Nakakahiya, pero wala naman akong magagawa, hindi ako nag-aaral, o late ako kung mag-aral, kung kelan agaw-buhay na ang grades ko, kung kelan naghihingalo na, kung kelan 50-50 na ang pag-asa kong pumasa. Hindi tumatak sa isip ko na ang pag-iwas ang pinakamabisang gamot sa isang karamdaman.

Yun nga lang, hindi pa huli pero nag-sisisi na ko.

“….”
“… …”

Ang ganda niya talaga. kahit alam kong hindi ako dapat huminto sa kakaaral ay hindi ko mapigilang matigilan at mapatitig sa kanya, sa kanyang mukha. Sana ay dito na lang muna siya habang nag-aaral ako para naman hindi lamunin ng pagkatuliro ang isipan ko. Masaya kong katabi ko siya kahit hindi naman niya alam.

Posted at 2:11 pm | Permalink | Add a Comment