Wala na akong ibang maisip, eto na lang talaga.

October 2005 Archives

physics 71 ender

Wednesday, 19th day of October 2005

nandito ang reply ng instructor ko sa physics 71, nung tinanong ko kung paano kapag hindi ako nakapagtake ng finals?

hello arvin. actually passing na ang standing mo even if zero ang finals! right now 2.75 ang equivalent grade mo.

ang policy sa physics 71, pag excused ang absence mo, INC ang grade (incomplete) tapos once you take the finals next sem mapapalitan na ang INC with your final grade. kaso nga lang ma-de-delay ka ng isang sem.

actually na-pass ko na sa registrar yung INC (or “incomplete”) grade mo. pero not to worry, madali siyang mabago anytime, in time for next sem…

i can consider your reason for missing the finals as an “excused” absence pero i leave the choice to you:

(a) pag mag-finals ka next sem, you can get as high as 1.5 (pag na-perfect mo ang finals).

(b) pag gusto mo na matapos yung physics 71, i can just automatically give you a zero score sa finals and you still pass physics 71 this sem with a grade of 2.75.

actually win-win situation siya in my opinion. i congratulate you dahil maganda ang performance mo for the entire course, and isa ka pa sa 2 highest nung 1st long exam!

so just notify me when you have made your decision

Posted at 11:28 pm | Permalink | Add a Comment

paano kaya kung

Thursday, 6th day of October 2005

How?s my driving?
LTFRB Hotline 642-3463
OPRTR (02) 684-9801
Sige, magsumbong ka, sumbungero!

Kung ang karaniwang refrigerator ay may lugar para paglagyan ng itlog, ng mga hotdog at ham, ng mga gulay, at siyempre ng pitsel ng tubig, kaiba siguro na maituturing ang ref namin sa bahay. ( Pero sigurado ako na meron din ibang tulad nito )

Meron kasing sariling shelf sa loob ng ref para sa mga samu?t-saring kemikal at droga.

Bawal galawin!
Dangerous drugs

Ganyan ang eksaktong banner na nakadikit sa shelf na ito sa loob mismo ng ref namin.

At makikita mo ang mga nakahilerang reagent bottles, mga kung anu-anong medisina na kung tatanungin mo ang tawag ay baka ang unang dalawang pantig lang ang makayanan mong bigkasin.

buti na lang at walang bata sa aming malikot ang kamay at mahilig magbutingting, este, buti na lang pala at matanda na ako.

At sa isang pagkakataon ay naging sosyal ang muriatic acid, naka-aircon pa sa loob ng ref, imbis na nakatago sa madilim at iniipis na ilalim ng lababo.

Pero buti na lang at Pharmacy major ang kapatid ko, dahil kung naging biology major siya, baka isang 7-month old na embryo ng kambing na nakalubog sa bote ng pormalin ang bigla na lang makahilera ng iniinom naming malamig na tubig, sa ibaba ng ice cube racks.

Iniisip ko ngayon kung ano ang nasa loob ng ref ng isang nag-aaral mag-embalsamo.

Nung isang araw ay nag-uwi ang ditse ko ng limang lab rats, I mean, literally, lab rats na nakakahon, bente raw ang isa sa recto. At hulaan mo kung saan sila inilipat.

sa aking improvised cd box, tuloy, nakakalat ang mga sari-saring installer ko, cd, vcd, eeprom, dynamic ram, synchronous memory bus, clocked d latches, flip-flops etc.

Nilagyan daw nila ng isang di-pangkaraniwang fungi ang mga nasabing daga at oobserbahan nila kung gaano nila katagal matatagalan ang disease-causing fungi.

Isang araw lang at nagkasugat-sugat na ang balat ng karamihan sa mga kawawang daga. Naalala ko bigla na mga daga ang naging primary agent ng paglaganap ng black death noon na umubos sa halos kalahati ng populasyon ng Europa.

Pero tuturukan naman daw nila ng gamot ang mga kawawang daga kinabukasan. At magbabakasakali na lang kung maaagapan nito ang sakit nila. Nung huli kasing ekperimento nila, namatay ang buong batch ng mga kalunus-lunos na daga.

Nakalagay sila ngayon sa tabi ng t.v. at kani-kanilang lang ay pinakain ko sila ng dinurog na skyflakes.

** as of this posting, (sinulat ko kasi yan last weekend) namatay yung tatlo sa apat na daga, hindi dahil sa fungi kundi dahil nalamigan lang, ( pinaliguan kasi ) yung isa naman, pinakain na lang sa pusa para kunwari namatay rin ng kusa.

positive “daw” ang result sa kanilang eksperimento

Posted at 11:00 pm | Permalink | Add a Comment