Wala na akong ibang maisip, eto na lang talaga.

August 2005 Archives

losing scenario

Thursday, 18th day of August 2005

Math 54: 2:30p - 3:45p
lesson:

sitting arrangement:
[kaklase1] [ako] [bag] [kaklase2]

dialogue:

kaklase1: jr… jr..
kaklase2: .. ( nakatingin sa blackboard )

kaklase1: jr. kunin natin yung exam natin.. jr..
kaklase2: . .. . ( nakatingin pa rin sa blackboard )

sa sandaling ito ay nakatingin na rin ako kay kaklase2. inaabangan ko kung papansinin na niya si kaklase1.

kaklase1: jr. uy. JR!
kaklase2: … .. . . . ( lumingon ng dahan-dahan kay kaklase1 pero tahimik pa rin )

parang naging slowmo, nagkatinginan pa sila ng point 3333333 bar second

kaklase1: uy. jr kunin natin yung exam
kaklase2: .. ha? ( parang natauhan )
naisip ko, baka nakalimutan niya ang pangalan niya, habang nakikinig sa prof kung paano kuni ang suma total ng isang walang hanggang serye ng isang binomial series.

sinusumpa ko sina Taylor at MacLaurin

test namin sa math mamya at eto ako ngayon at nagbablog pa. At naaasar ako kung bakit ako bumabagsak sa naturang subject

Posted at 11:37 pm | Permalink | Add a Comment

hikaw

Thursday, 18th day of August 2005

parang may iba, tila may nagbago
ngunit hindi ko matukoy kung ano
nang bigla na lang napatingin
sa kakaiba mong tenga,
hindi ko napansin, nakahikaw ka pala.

pero sigurado naman akong
di mo yan suot kanina.
siguro kaya ka nandun sa alahera
tama, hikaw pala?y bumili ka.

at ano naman kaya ang dahilan
magsuot ng hikaw, iyong natipuhan
ikaw ba?y may pupuntahan
o kaya?y makikipagtagpuan.

pero hanggang tanghali?y ika?y nadyan
nakataas pa ang paa mo sa may duyan
bakit ka naghikaw? wala lang?
gusto ko sana ng ?sang matinong dahilan.

dahil alam kong hindi mo ito gagawin
kung hindi mo muna nanaisin
at kung minsa?y paulit-ulit pang iisipin
tsaka pa lang plano?y iyong tutuparin

kaya?t ang gusto kong malaman
ang tunay na dahilan,
pagkakataon ay pinagbigyan
na makita ka sa ?yong kagandahan.

Posted at 1:00 pm | Permalink | Add a Comment

reply ko

Tuesday, 16th day of August 2005

ang sumusunod ay isang email reply sa isa kong ka-batch sa comsci, tama reply lang yan sa email pero mukha nang blog entry kaya napagpasyahan kong ilagay dito, hehe. ito ang tinatawag na hitting two birds in one stone.

nerd, hehe. hindi ko pa nagagamit yung salitang yan sa isang usapan, hehe. kung ang nerd eh yung kung anu-anong libro ang binabasa eh baka ako na ang pinakanerd na taong nakilala ko.

motivation, hmmmm. hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip ko. kabibili ko nga lang ng libro tungkol sa web programming, nakakatuwa kasi hindi ko alam na may mas lalaki pa sa libro sa physics 71, pero may mas malaki pa pala. The Internet and web programming ng deitel. hindi ko alam na magkakainteres ako sa librong konti na lang eh dalawang libo na ang pahina, at nakakatuwa kasi hindi biro yung tungkol sa bilang ng pahina, talagang ganun karami.

siguro apat na yung librong binili ko para lang dito sa gusto kong tawaging hobby.

kung ikaw graphic tablet ang gusto mo, sa akin, matagal ko nang pinapangarap ang isang digital camera. pero wala nang kinalaman sa internet nun.

masyado lang kasing maraming magandang nakikita dito sa mundo at hindi kayang isiksik pa sa makitid na utak ng tao. ( Ayus, sa ilang segundo eh para akong naging public speaker ng haribon )

lam mo ba, pero sigurado akong hindi mo alam.
hindi naman mataas ang expectations ko eh. pero kung ayaw mo edi hindi na lang. sabi mo, mas tumino ang pagsusulat mko ngayon kaysa dati. paano kung nakita ko yung sinulat mo dati tapos ok naman, tapos sinabi mo na mas tumino na ngayon, edi the best na yung ngayon kasi yung dati ok na naman kasi sabi mo nag-improve pa.

kaya lang hindi ko nga malalaman kasi nga hindi ko naman nakita.
( pero walang naman akong pinapahiwatig )

tama ka mahirap ngang magsimula, mahirap din magpatuloy at mahirap tapusin. pero sa pagsusulat ko lang naranasan yon tsaka ‘pag nasosolve ng mga math problems.

pero dito, iba, mahirap magsimula, kailangan ng sobrang gandang ideya, pero hindi mahirap ituloy dahil kapag nasimulan na, madalas ayaw ko nang tumayo sa kinauupuan ko hanggat’t hindi ko pa natatapos. hangga’t hindi pa ako kuntento.

( mukhang blog entry na tong sinusulat ko ah, ipopost ko ‘to pagkatapos, hehe )

pwede namang pagsabayin ang maga bagay di ba? magsulat ka, tapos magpatuloy sa cs. mahirap kasi kung ginagawa mo ang isang bagay pero ang isip mo e nasa iba naman. para ka na ring nagprogram ng java na gamit ay c compiler. maggegenerate ng sangkatutak na errors.

pero kung hindi talaga pwede, naku, mahirap yan. pinakamahirap sa lahat ay mawalan ng motivation. ( naku, ano ba ‘tong pinagsasasabi ko, hehe )

pasensya na ah. napaisip lang kasi ako dahil sa mga sinabi mo.
parang meron akong hindi maintindihan na kung ano.

hehe, pareho pala kami ng mga tao sa bahay niyo, gusto trabaho agad, hehe.
beterano, para mo naman sinabing matanda na ako at tumatanggap na ng pension mula sa gobyerno.

ganito lang talaga ko, sabi mo nga “measured ang mga sinasabi”.
ganito rin yung comment ng grade 2 adviser ko sa report card namin dati.

tsaka kasi sinusulat ‘tong mga sinasabi kaya pwedeng i-edit, i-copy at paste, pwede pa kong tumingin sa online dictionary kung hindi ko alam ang tagalog sa “motivation” at mga synonyms ng freelance.

kung gusto mong magsulat at magdrawing, edi magsulat kia at magdrawing. naalala ko tuloy yung istorya kay lewis caroll,

( story telling time )

nabasa minsan ni queen elizabeth ang isang kopya ng “Through the Looking Glass” ni lewis caroll. Nagandahan siya, sobra at ipinautos sa mga tauhan na kunin pa ang mga ibang gawa ni caroll para mabasa rin niya ito.

kaya lang, ang lewis caroll pala ay isang penname na ginagamit ng isang mathematician, ( nakalimutan ko na yung pangalan ).

hindi natuwa si queen elizabeth nang ibigay sa kanya eh mga research studies na walang laman kundi mga bizarre, complex at panigurado akong sobrang nakakahilong mga equations.

si caroll din ang may gawa ng alice in wonderland, na minsang pinalabas bilang tagalized cartoon series sa channel 7.

ilang minuto mo binasa ‘to? mahaba ba? sori ha.

Posted at 1:07 am | Permalink | Add a Comment