kundiman

karmi. komski. parehong 20-something. frustrated writer. rockstar wannabe. madrama. naruto fanatic. mahilig kumanta. cam-whore. charmed addict. loves twitter. writer kuno. isip-bata. idol si BO. mastermind ng komski quotebox. makulit. computer geeks. pero mas geek pa din si komski. mababaw ang kaligayahan. 14.

  • anneV: cute naman ng entry na ito. however, we don’t have that brand of candy here in sweden eh. cute blog...
  • ann: Love site pala ito..hehehe. dito ka na ba?
  • F: wagas na pagibig . teka pahingi ako ng kendi =)
  • ettey: syet!tumayo atang lahat ng buhok ko sa katawan ng mabasa ko tng post mo bigla akong kinilabutan at di naiwasan...
  • komski: Naku, masama pinaglalaruan ang pagkain, hehehe. Pero kung maaalala mo naman ako in the process, ok na rin:D...
  • MommyBa: ay ang sweet!!! Pramis talaga corny entry na lang gagawin ko, hehehe.
Subscribe to my feed




“Pare akin na pera mo.”
“ha?”

Naglalakad ako ng marahan sa tabi ng quezon ave. cor. edsa flyover, habang nakatingin sa mga bus na dumarating. Pauwi na sana galing eskwela at medyo lango pa dahil sa matinding diskusyon sa math na aking huling klase. nang may biglang sumabay sa aking paglakad at kanyang hinablot ang aking kaliwang braso.

“huwag kang maingay, sabi ko. akin na ang wallet mo.”

Hawak niya si kamatayan sa kanyang mga kamay at dahan-dahang inilalapit sa aking tagiliran. kahit hindi pa ito sumasayad sa aking damit ay nararamdaman ko na ang bigat at init nito.

“pera ba ang kailangan mo?”
“sinabi nang akin na eh”

“Hindi kita pwedeng bigyan.”
“Gusto mo bang mapahamak.”

“Ayaw ko lang na may sumunod pa sa akin.”
“Hindi ka ba natatakot dito?”

At kasabay nito ay idiniin pa ang hawak niya, lalong itong inilapit sa aking tagiliran. naramdaman ko ang talim na unti-unting gumuguhit sa aking balat.

“langya ka papahirapan mo pa ko, akin nang pera mo.”
“hindi pwede.”

Alam kong ito na ang magiging katapusan na aming pag-uusap. sa pag-sabi ko ng oo o hindi. pinili ko ang hindi, at hindi na niya napigilan ang demonyong naka-kadena sa kanyang palad. Kumawala ito at sinuong ang aking tiyan. Wala na akong nakita kundi ang dugo mula sa sugat na nadama ko sa aking mga daliri.

kung oo ang pinili ko, uuwi ako na walang galos ( kung makakauwi nga ako nang walang pera ). Uuwi na iniisip na mangyayari ulit ito hindi sa akin kundi sa ibang tao. At kung pipiliin din niya ang oo, uulit ulit ito.

May mga tao na pinipilit tayong magdesisyon sa mga bagay na hindi naman natin hawak. inilalagay nila tayo sa sitwasyon na hindi tayo makakawala at pinipilit tayong magbigay ng sagot. para kunwari ay mapadali ang ating pagpili, binibigyan nila tayo ng magkasalungat na pagpipilian. Ang isa, mukhang maayos, walang sabit, yung isa, delikado. kaya ano pa aba ang pipiliin natin?

lahat ay kanilang plano. iniisip na rin nila ang iyong magiging sagot. at ang magiging sagot na iba pang ilalagay nila sa parehong sitwasyon.

sinasabi ko ito hindi lang sa konteksto ng panghoholdap. Pati na rin sa kasalukuyang nangyayari sa bansa.

pinapakitaan tayo ng mga tapes, laban sa administrasyon, at may bago pa, laban naman kaya erap. At sinasabi nila na tayo na lang ang magdesisyon.

“Sumama kayo sa rally! lumabas kayo sa lansangan!”

“huwag kayong makikinig sa kanila, isa lamang iyang parte ng deistablisasyon.”

Hindi lang sa lansangan makikita ang mga holdaper.

last week, araw ng martes. umuwi ako sakay ng traysikel.

nang makita ko na lang na may nakasabit na itim na tela sa may tarangkahan, sa may kanto ng sulukan. At nakasulat in bold letters ang ngalan ng tatang ko.

meron siyang emphysema, naging dulot ng paninigarilyo noong malusog pa. isang chronic disease, unti-unting pumapatay sa yo. masakit ang pakiramdam, hindi makahinga, na lalong tumitindi sa bawat pagpatak ng segundo.

gigising ka sa umaga, kung nakatulog ka man lang na ang gigisingan mo ay ang sakit, mahirap.

napansin ko lang, natatakot siyang mamatay. Iba sa mga napapanood ko sa telebisyon.

“sige na, iwanan niyo na ako, sagipin niyo ang mga sarili niyo.”

hindi ganun kundi ito;

“tulungan mo ko. hirap na hirap na ako. halika, sandali lang.”

Minsan mahirap mabuhay. pero bakit parang ayaw nating kumawala rito. Siguro dahil alam nating hindi na tayo makakabalik.

Naramdaman ko nang kaunti na parang naging kaisa ako sa isang reality-based tv game show. At ang challenge ay ang kumain ng nilagang lamang-loob ng baboy na hinaluan ng kanin para magmukhang lugaw.

Nagsimula ang lahat ng ito sa pagsabi ko ng, “Miss, ’sang lugaw nga.”

Pero hindi naman sa naninira ako, hindi rin ito parte ng isang malawakang black propaganda laban sa isang kainan na itago na lang natin sa pangalang “lugaw 1″.

Una, hindi ordinaryo ang kulay ng lugaw nila, kulay dilaw. Naninilaw na parang may hepatitis. Naalala ko ang sakit na yellow fever habang sinusubo ang bawat kinutsara sa mangkok. Wala namang silang special promo na may halong zest ng lemon ang mga lugaw nila. Ewan ko kung coloring lang yun.

Iba ang amoy, hindi langhap-sarap na tagline ng chickenjoy, hindi kasi manok ang laman ng goto kundi lamang-loob ng baboy. Iba ang amoy.

Magara ang lasa. lasang lamang-loob.

Hindi man lang ako umabot sa sampung subo. Hindi ko naubos. Kung biyernes ngayon ay baka pinapanood na ang video presentation na ginagawa para sa mga umaalis sa contest.

talo ako, talo.

Hindi talaga ako naninira kahit parang ganun yung ginagawa ko ( Parang si gloria habang sinasabi niya na hindi siya nandaya ). baka hindi lang talaga ako sanay sa ganun, pero kumakain naman ako ng lamang-loob, atay, bituka, dugo, iba lang talaga siguro yung pagkakaluto sa kanila.

Marami namang kumakain dun eh. Mga tricycle drivers, tindera sa palengke, at mga dumadaang mamimili. At isipin mo na lugaw lang ang tinda nila, kalde-kalderong lugaw.

lugawan, lugaw lang