kundiman

 

April 2005
S M T W T F S
« Mar   May »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

Archives

Subscribe to my feed

pagtatapos

April 24th, 2005

malapit nang sumapit ang dapit-hapon,
palubog na ang araw sa kanluran.
pero para sa akin ay ngayon pa lang ang simula ng lahat
ngayon pa lang lumiliwanag ang kalangitan

dahil alam kong sa ilang sandali pa ay ang iyong
magandang mukha ang aking masisilayan
sa isang bago na namang pagkakataon ay
makakasama ka at maririnig ang iyong boses
boses na pwede mong pagkamalang sa isang anghel
o sadyang ikaw nga ay isang anghel na bumaba dito sa lupa?

ang banggitin mo ang aking pangalan ay isang
bagay na walang kaparis
dahil ikaw lang ang nakagagawa nito nang may
kasamang kasiyahan at ngiti sa iyong mga mata

sa ating paglalakad ay ninais ko na maging walang hanggan
ang kalsadang ating tinatahak
Para habambuhay na rin kitang makasama at
madama kong nasa tabi lang kita.
Dahil sa ganoon lang ako magiging tunay na masaya
sa piling na isang katulad mong naiiba

subalit alam kong hinding-hindi iyon mangyayari
dahil ngayon pa lang ay alam kong
sinasamahan kita sa huling pagkakataon.
inihahatid kita para ako’y tuluyan nang layuan
at hindi ko na muli pang maririnig ang iyong boses
na lagi kong pinapangarap na maparinggan.
dahil ikaw ay aalis na at hindi na muli pang babalik

mas mabuti pang maglaho na rin ako
sa oras na ikaw ay mawala sa akin…

Leave a Reply