mamahalin kita sa katahimikan
dahil wala akong lakas ng loob
na pag-ibig ko’y sa iyo ipaalam
kuntento na ako na makita ang iyong kagandahan
mula rito, malayo sa iyong kinatatayuan
hayaan mong ikubli ko ang aking pagmamahal
sa matagal na nating pagkakaibigan
masaya ako kapag ika’y kasama
wala nang hahangarin pang iba
dahil hindi naman talaga kita
kailanman magiging akin, sinta
mamahalin ko ang iyong mga ngiti
pati na rin ang mga tawag mo sa gabi
kahit akin nang nalalaman
na hindi na ako hihigit pa
sa isang matalik mong kaibigan
mamahalin kita sa katahimikan
at sana’y hindi mo mahalata
na iba na ang tingin ko sa iyo
mas malalim, mas mahalaga
yun pala, mahal na mahal kita
Leave a Reply