Wala na akong ibang maisip, eto na lang talaga.

April 2005 Archives

. . . . . . . . .

Sunday, 24th day of April 2005

mamahalin kita sa katahimikan
dahil wala akong lakas ng loob
na pag-ibig ko’y sa iyo ipaalam

kuntento na ako na makita ang iyong kagandahan
mula rito, malayo sa iyong kinatatayuan
hayaan mong ikubli ko ang aking pagmamahal
sa matagal na nating pagkakaibigan

masaya ako kapag ika’y kasama
wala nang hahangarin pang iba
dahil hindi naman talaga kita
kailanman magiging akin, sinta

mamahalin ko ang iyong mga ngiti
pati na rin ang mga tawag mo sa gabi
kahit akin nang nalalaman
na hindi na ako hihigit pa
sa isang matalik mong kaibigan

mamahalin kita sa katahimikan
at sana’y hindi mo mahalata
na iba na ang tingin ko sa iyo
mas malalim, mas mahalaga
yun pala, mahal na mahal kita

Posted at 1:00 pm | Permalink | Add a Comment

pagtatapos

Sunday, 24th day of April 2005

malapit nang sumapit ang dapit-hapon,
palubog na ang araw sa kanluran.
pero para sa akin ay ngayon pa lang ang simula ng lahat
ngayon pa lang lumiliwanag ang kalangitan

dahil alam kong sa ilang sandali pa ay ang iyong
magandang mukha ang aking masisilayan
sa isang bago na namang pagkakataon ay
makakasama ka at maririnig ang iyong boses
boses na pwede mong pagkamalang sa isang anghel
o sadyang ikaw nga ay isang anghel na bumaba dito sa lupa?

ang banggitin mo ang aking pangalan ay isang
bagay na walang kaparis
dahil ikaw lang ang nakagagawa nito nang may
kasamang kasiyahan at ngiti sa iyong mga mata

sa ating paglalakad ay ninais ko na maging walang hanggan
ang kalsadang ating tinatahak
Para habambuhay na rin kitang makasama at
madama kong nasa tabi lang kita.
Dahil sa ganoon lang ako magiging tunay na masaya
sa piling na isang katulad mong naiiba

subalit alam kong hinding-hindi iyon mangyayari
dahil ngayon pa lang ay alam kong
sinasamahan kita sa huling pagkakataon.
inihahatid kita para ako’y tuluyan nang layuan
at hindi ko na muli pang maririnig ang iyong boses
na lagi kong pinapangarap na maparinggan.
dahil ikaw ay aalis na at hindi na muli pang babalik

mas mabuti pang maglaho na rin ako
sa oras na ikaw ay mawala sa akin…

Posted at 1:00 pm | Permalink | Add a Comment

I could steal your whole life from you

Friday, 15th day of April 2005

Can be considered a threat even if he is only armed with a cellphone and a bubblegum wrapper. Maraming computers sa kwarto, kayang magnakaw ng pera sa bangko sa pamamagitan lang ng isang click. Can control traffic lights and oil bunkers.

Astig ang imahe ng hacker sa pelikula.

sing astig rin siguro ito ng nasa isip ng ilan sa mga nagbalak at nagbabalak na kumuha ng isang computer-related course, isa na rito ang computer science, at isa na rin ako sa mga ganito ang naging dahilan kung bakit kumuha ng kursong ito.

masama bang mangarap?

Kasama na rito ang astig na trabaho sa loob ng isang korporasyon tulad ng microsoft. malaki ang sweldo kahit na nakaupo lang sa isang silya sa opisina. Bawat program mo malaki ang kita, kahit na matagal gawin. Lalo na kung napunta ka sa gaming world. astig talaga. astig gumawa ng saril mong ragnarok o counter-strike.

kuhang-kuha ito sa commercial ng STI.

kala mo mga doktor sa emergency room, parang may ihahablang buhay. yun pala isang computer virus lang. una, if a virus is attacking your computer and you actually know it, then the easiest way to stop it is to turn off your computer. i can’t even imagine how you would know that one is attacking you in realtime. Na parang may progress bar sa screen mo na ang nakalagay ay, “virus attack completion at 46%”. Are they serious? Kasi misleading advertisements are punishable by law, i think.

kuhang-kuha ang mga pinapangarap ng isang naghahangad maging astig sa computers, palakpakan pa ang buong klase. pwedeng pelikula.

“I’m always amazed at people who are in line with computers.”

Minsang nasabi ng kaklase ko, o akala ko lang yun, nang malaman niya na comsci ako. pero kung iisipin, we don’t usually get the better jobs. Nung nag-apply ako ng trabaho sa munisipyo, halos kalahati ng pumunta ay kundi hindi tapos na ay nag-aaral ng computer science.

ang daming schools na nagtuturo ng computer science, ang daming sti tsaka ama na nakakalat sa buong bansa, hirit pa ng AMA na ACLC na associate graduate. May song jingle pa nga eh,

ACLC, assoc grad gets the job!

ang problema, dati pa paubos ang mga trabaho para sa mga computer-related courses, and the fact that the philippines lack of motivated entrepreneurs, also constitutes for lesser available jobs for us. Bakit? Saan ba tayo kailangan?

Mas maraming magtatayo ng business, mas maraming mangangailangan ng magmamanage ng databases, magtatayo ng company network, mas maraming magpapagawa ng inventory manipulation programs, web presence, at kung anu-ano pa.

kaya kung computer-related course ang kinukuha mo, good luck, may the best man get the job.

Posted at 10:16 am | Permalink | Add a Comment