Sana hindi mo na lang nakita ang walang kamalay-malay na kotseng nakaparada sa may gasolinahan.
Sana hindi mo na lang naalala ang pelikulang kinatampukan ng kotseng ito.
Sana hindi mo na lang ako tinanong kung alam ko ang tungkol doon.
Sana hindi na lang ako sumagot para hindi na humaba ang usapan.
Sana sinabi mo na lang ng malinaw para nagka-ideya ako kaagad.
Sana nagtanong ka na lang sa kaklase mo ang sakayan pauwi.
Sana hindi ko na lang sinunod ang gusto mo.
Kahit na gusto rin naman kitang makita kaya ok lang.
Pero bakit hindi mo sinabi ang talagang nasa isip mo?
Sana hindi na rin ako sumama sa ate ko.
Sana hindi na lang kami nanood ng pelikula.
Sana nakalimutan ko na lang ang mga sinabi mo.
Sana hindi na lang kita nakita sa mall.
Sana rin hindi mo ako nakita gaya ng inaasahan ko.
Sana hindi ko na lang narinig ang sinabi nung bidang artista.
Sana nag-CR na lang ako nung nasa parteng yun.
Sana hindi na lang sumakto yon sa mga sinabi mo.
Sana hindi ko na lang naisip na napanood mo na ?to.
Kahit halata na naman na.
Sana hindi ko kaagad naisip kung sino ang kasama mo.
Kailan, saan at kung paano?
Sana hindi na lang kita nakilala.
Para hindi ako nagkakaganito.
Para hindi ako naguguluhan ngayon.
Para mawala na ang lungkot na nararamdaman sa tuwing naaalala ko na matagal na kitang hindi nakikita.
Para hindi na lang ako naaasar sa sarili ko dahil wala akong nagawa.
Para hindi na rin ako maaasar dahil alam kong hindi na ulit maibabalik sa dati ang lahat.
Na yun na ang huli, tapos na ang lahat, at wala na akong magagawa.
Para hindi ko na lang nalaman na meron pa lang isang katulad mo.
Para hindi na lang nabago ang pagtingin ko sa mundo.
Pero nangyari na.









Leave a Reply