kulang pa ang mga nalalabing oras ko sa mundo para pagbayaran ang lahat ng mga taong dapat kong pagdusahan. Hindi ko na makikita pa ang taong magmamahal sa akin. mamalasin ako sa pag-ibig pati hanngang sa kabilang buhay. ilang bese na rin akong mamatay nang wala man lang magandang dahilan.
una kong nakabasa ng isang chain letter nung ako ay limang taon pa lang. may dumating ng sulat para sa kapatid ko pero ako lang tao sa bahay kaya binuksan ko at binasa ang nasa loob.
isang chain letter, pag di raw ako nagpadala ng limang sulat na katulad nito ay mamalasin daw ako sa habang panahon. hindi siguro yun mismo ang sabi pero parang ganun.
halos linggo linggo ay may chain letter akong nababasa pero ni minsan ay wala pa akong pinasa kahit isa. siguro ay para malaman kung mamamatay nga ako bukas, kung may lalabas na batang walang mata at kalahati lang ang ulo sa ilalaim ng kama ko mamyang gabi at sasaksakin ako.
hinintay ko siya magdamag, sinilip ko pa ang ilalim ng kama ko pero isang ipis lang ang nakita ko at wala siyang panaksak.
nagising rin ako kinabukasan, medyo masakit lang ang ulo kasi napuyat dahil akala ko ay huling araw ko na sa mundo.
sana may dumating na chain letter sa araw bago ang final exams namin sa math.
“kung hindi mo ipapasa ito ay hinidi ka na magigising bukas…”
sadya kong hindi ipapasa para nga hindi na ko magising
mabuti pang mamatay na lang habang natutulog kaysa mamatay habang pinipiga ang utak sa math exam.
kapag hindi mo pinasa ito, madadapa ka sa may kalsada patungo sa pangalawang klase mo bukas tapos masasagasaan ka ng toki tapos aapakan ka nung mga bababang pasahero matapos nilang malaman na may nasagasaan sila.
kapag pinasa mo ito sa crush mo, liligawan ka niya
kapag pinasa mo ito sa kaaway mo, mamamatay siya
kapag pinasa mo ito sa prof mo, exemted ka na sa exam niyo
kapag pinasa mo ito sa 6 na bilyong tao, ituturing kitang diyos
