biyernes kahapon, masaya akong pumunta sa may sc para tingnan yung bago kong messages.
na-check ko kasi sa GPRS-phone ng ate ko yung email ko nung nakaraang gabi. inantay ko pa syang makatulog para gawin yun. baka kasi batuhin ulit ako tulad nung dati matapos kong hiramin yung phone niya. Ayaw niya kasing naiistorbo sa pagcha-chat. nakatulog nang hawak-hawak ang phone sa kamay at nakapatong sa tyan. nang mapansin ko na nakapikit na at di na nakakunot ang noo dahil sa bwisit na server busy message na laging lumalabas sa screen, dahan-dahan kong inabot at kinuha ang inaasam na phone sa kanya. tila bang isang special tactics operative na nagdidis-arm ng bomba sa may iraq. pinapakirmdaman ang bawat muscle ng mukha na tila napapanaginipan pa rin ang bwisit na server busy message. sa wakas ay nakuha na rin. may bago akong mensahe.
nagtataka si KCU sa kung sino ba tong sumulpot sa friendster account niya at nangangarap daw na maging kaibigan niya. kaklase ba kita sa math17? kala rin niya babae ako. bakit ksi skye pa napili na nickname sa account. kaya pinalitan sa komski na medyo hindi bias sa kasarian, di na rin pagtatakahan kung bakit. ayaw pa rin akong magpakilala. nagtanong rin kung sigurado ako sa taong nakasalubong lang at nahanap pa ang pangalan sa upcat results webpage. Gets na raw ni KCU. bait talaga, sabi nga sa mga testimonials niya. sandali lang.
pero eto ang naging problema…
may nawawala akong kaibigan. kala ko kasi ok lang na sabihin sa kanya. hindi pala. badtrip ako buong araw. buti nalang tumaas ang points ko sa bowling namin ng 3 points. 62 dati, naging 65, hehe. pero asar parin kapag naaalala ko. ups, alanganin gamitin ung word na yun. ewan ko ba. tuloy medyo asar magkwento ngaun. ayoko na eh. kung hindi dahil may tinutulungan akong kaklase sa asar na machine problem na yun. ewan ko ba. di pa nga ako tapos eh. asar talaga. wala ako sa mood.
nagsorry na nga ako eh.
naisip ko na gumawa ng program na magpiprint ng sorry ng isang milyong beses. ok na ba yun?
kaya lang baka akalain niya na virus yun. kaya baka di buksan. kailangan kong malaman kung paano i-embed yung icon sa program.
ayoko na….








