Sandali lang. Una sa lahat, mali yata ang inaakala mo. Ewan ko pero parang hindi mo ako naiintindihan. Kasi naman laging bitin ang mga salita ko pero ibig sabihin lang, baka hindi mo pa talaga ako kilala. Sandali lang.
Kami na yata ang isa sa pinakamalas na klase sa kayupihan. Biruin mo, (pero hindi ito biro) may klase pa pala na mas malayo pa sa math building. Napansin mo na ba minsan yung building sa harap ng MB? Hindi siguro, kasi sa gilid ka lagi dumadaan. Totoo, nandun ang MJEC at may nagkakalase pa sa building na yon sa kabila ng C.P.Garcia. Doon kami nagc-CS11. Ok lang sana kasi konting lakad lang mula sa math pero bakit naman kailangan pang ilagay ang kalsada na yun sa gitna. Hainaku, nasa peligro ang buhay mo kada papasok ka sa klase. Dumaan daw ba sa isang kalsada. Eh wala pa namang kanto na malapit kaya dire-diretso ang takbo ng rumaragasang sasakyan na umaabot ng siguro mga 30kph. Nagtataka siguro yung mga nakasakay sa toki kung saang lupalop pumupunta yung mga estudyante na nakikita nila dun. Swerte na lang minsan kung marami na talaga yung sasakyan kaya nagkakabuhul-buhol sa may gate papasok sa NIGS na umaabot sa tinatawiran namin. Pero sabi ko nga, swerte na lang yun. Aabutin ka siguro ng ilang Ama Namin bago mapanatag ang loob mo sa pagtawid dito. Mabuti naman at wala pa kaming nabalitaan na naaksidente dun. Pagkasambit ng unang dekada ng rosaryo, tatawid ka na dun sa unang lane kasi medyo malayo pa yung ibang sasakyan. Pero ano naman ba ang possibility na parehong walang sasakyan ang magkabilang lane ng kalsada? (Mga math majors naman dyan) kaya siguradong titigil at titigil ka rin sa gitna, kaya tuloy ang rosaryo. Konting ingat kasi nariyan na yung sasakyan sa unang lane at baka mahagip pa yung likod mo. The Crucifixion, oops tigil muna, kasi napansin mo na yung puwang na matagal mo nang hinahantay para makatawid. Naalala mo tuloy yung madalas mong nilalaro sa PC kung saan kailangan mong itawid yung tupa sa may kalsada na puno ng sasakyan. Ganun din ata yung konsepto ng scuba duba doo sa txttube. Kaibahan nga lang ay may multiple lives yung character, eh ikaw isa lang. Wag nang magulat kung nakalagay na in red bold letters na isang estudyante naaksidente sa pagpunta sa klase(sabay katok sa may noo). Ayan, nakatawid ka na, pero wag mo muna tapusin ang rosaryo kasi kakailanganin mo pa yun mamya pabalik. Bilisan mo konti na lang late ka na sa klase mo.
Masaya sa CS11, kasi kapag hindi mo naiintindihan ang lesson, magsaya ka na lang kaysa mamroblema. Natatawa na lang ako kapag nag-jojoke yung instructor namin kasi yung joke lang yung medyo naiintindihan ko pa. Pero minsan tumawa siya after saying something in binary(ibig sabihin di ko naintindihan). Di ko alam kung joke yung sinabi niya o baka narealize lang niya na hindi namin siya naiintindihan. Buti na lang at may bonuses sa ME?s at LE?s at MP?s kundi ay wala na kong pinasa?. Ayon dun sa CSmanual, ang CS 11 ang tsansa mo para maka-uno pero malabo ata yun. (Hindi ko masyado maikwento ang pinag-aaralan sa CS kasi nga hindi ko lubusang naiintindihan) Pero ang medyo naiintindihan ko na rin ay kung bakit may waiting area sa may MJEC, siguro para after an ME, settle down ka muna para i-recollect yung sarili mo. Bakit kailangan nun? Isipin mo na lang, nandun ka, lango sa ME, umiikot pa rin sa utak ang iba?t-ibang variables at iniisip pa rin kung tama yung algorithm na ginamit mo(at siguradong maasasar bigla sa narealize na pagkakamali). Nagmamadali ka kasi nag-overtime ka para lang matapos sa ME kahit may kadikit na next class ka pa. Magulo ang isip kasi may quiz ka rin mamya (eh hindi ka pa nag-rereview) tapos nakatayo ka sa gilid ng CP Garcia, naghihintay na makatawid sa kabila. Tingin mo tuloy sa mga sasakyan eh mga bits of data na rumaragasa sa isang computer circuit. Na-imagine mo na ba? o kailangan ko pang uilitin sa simula?
may pinabasa sa amin sa Eng 1. isang essay tungkol sa isang torpe. nakakatuwa nga eh, kung binasa mo nang hindi nakikita yung title, aakalain mong biography ko yun, hehe. parang blind item na ako yung pinatatamaan. ok nga eh, katulad sa kwento eh sa huli, lalayuan ng girl yung guy. parang lagi, ngayon nga eh hindi na siya nagreply sa mensahe ko sa kanya. ewan ko ba.
nawala ang aking cellphone ngayong week, wala lang…. it took me 10 minutes to walk from FC hanggang dito sa SC, hirap. kasa-submit ko lang ng survey kanina. hmmm…. wala na namang ganang magsulat. wala akong maisip eh. sige, magbobowling pa ko mamya.
Leave a Reply