Wala na akong ibang maisip, eto na lang talaga.

Archive for 2004 archives

lagot na, tama na

Tuesday, 14th day of December 2004

lakas ko ma-depress, lagi na lang malungkot. bagsak ang studies ko, wala na akong magawang matino. ni hindi ko nga magawang paikutin ang isang litrato sa isang webpage gamit ang javascript. malungkot ako.

unang sintomas: matinding kalungkutan

hindi ko maialis sa isip ko na walang pupuntahan ang buhay ko kaya minsan parang gusto ko nang mamatay. dun rin naman ako babagsak, kamatayan.. para wala na akong problema. para matapos na ang lahat para makasama ko na ang Diyos o ang demonyo, kung sino man sa kanila. ayoko na.

pangalawang sintomas: pagsabi ng kagustuhang mamatay

pag-nagiisa, parang gusto ko nang tapusin ang lahat. tapos makikita ko yun, ang siyang pwede kong magamit para matupad ang gusto ko. kukunin ko bigla. tititigan, tapos mag-iisip nang malalim. mabigat sa kalooban. tapusin ko na kaya tong buong chapter ng Calculus at sagutan ang lahat ng exercises? hindi kaya ma-braindead ako pagkatapos? pumutok ang ugat sa utak habang kinakalkula ang limit ng f of x when x approaches infinity at kunin ang highest derivative of the range of the function log?

pangatlong sintomas: nagbabalak magpakamatay.

tapos nakita kita,
nagdaan ka sa harap ko at
hindi ko na malilimutan ang sandaling yon
dahil alam kong hindi na ito mauulit pa
tapos ilang sandali pa wala ka na

malungkot.. lungkot na naman…

 

/* joke time! */

Host: describe the feeling of being hit by a flying Pentium chip processor in the head.
programmer: That hertz! ( that hurts!)

( tatawa lahat tapos papalakpak tapos tahimik ulit at makinig)

Host: How about being hit by a flying processor but this time, it’s an ENIAC cpu?
programmer: Now that gigahertz!!!!

( walang tatawa kasi korny)

< ----end of message--->

Posted at 12:19 am | Permalink | Add a Comment

Sana hindi na lang

Saturday, 11th day of December 2004

Sana hindi mo na lang nakita ang walang kamalay-malay na kotseng nakaparada sa may gasolinahan.
Sana hindi mo na lang naalala ang pelikulang kinatampukan ng kotseng ito.
Sana hindi mo na lang ako tinanong kung alam ko ang tungkol doon.
Sana hindi na lang ako sumagot para hindi na humaba ang usapan.
Sana sinabi mo na lang ng malinaw para nagka-ideya ako kaagad.

Sana nagtanong ka na lang sa kaklase mo ang sakayan pauwi.
Sana hindi ko na lang sinunod ang gusto mo.
Kahit na gusto rin naman kitang makita kaya ok lang.
Pero bakit hindi mo sinabi ang talagang nasa isip mo?

Sana hindi na rin ako sumama sa ate ko.
Sana hindi na lang kami nanood ng pelikula.
Sana nakalimutan ko na lang ang mga sinabi mo.
Sana hindi na lang kita nakita sa mall.
Sana rin hindi mo ako nakita gaya ng inaasahan ko.

Sana hindi ko na lang narinig ang sinabi nung bidang artista.
Sana nag-CR na lang ako nung nasa parteng yun.
Sana hindi na lang sumakto yon sa mga sinabi mo.
Sana hindi ko na lang naisip na napanood mo na ?to.
Kahit halata na naman na.

Sana hindi ko kaagad naisip kung sino ang kasama mo.
Kailan, saan at kung paano?

Sana hindi na lang kita nakilala.

Para hindi ako nagkakaganito.
Para hindi ako naguguluhan ngayon.
Para mawala na ang lungkot na nararamdaman sa tuwing naaalala ko na matagal na kitang hindi nakikita.
Para hindi na lang ako naaasar sa sarili ko dahil wala akong nagawa.
Para hindi na rin ako maaasar dahil alam kong hindi na ulit maibabalik sa dati ang lahat.
Na yun na ang huli, tapos na ang lahat, at wala na akong magagawa.

Para hindi ko na lang nalaman na meron pa lang isang katulad mo.
Para hindi na lang nabago ang pagtingin ko sa mundo.

Pero nangyari na.

Posted at 6:51 am | Permalink | Add a Comment

magulong kausap

Saturday, 20th day of November 2004

anong gusto mong sabihin ko? na ayaw ko? na hindi ako papayag? kahit na alam nating dalawa na wala naman akong dahilan para sabihin yon? sandali lang, bakit ba ako natataranta, hindi dapat. Dahil baka mahalata mo na hindi ko rin alam ang aking gagawin. Kaya tatawa na lang ako. Ganun naman lagi eh, tatawa na lang, haha.

Posted at 7:40 am | Permalink | Add a Comment